Feature Articles:

New “Save the PH Coalition” Launches with Scathing Attack on President, Endorses Sara Duterte

In a fiery speech marked by religious fervor, personal...

Rob Rances Urges Collective Action for Philippines

Rances at Coalition Launch: "Philippines in State of Collapse,...

TUWID NA DAAN NA MAY PUSO, GANYAN ANG AMING KALIHIM – DIR. TESS PANLILIO

TUWID na daan na may puso, ganyan inilarawan ni Director Teresita L. Panlilio ng Finance Management Service ng Department of Agrarian Reform ang Kalihim na si Virgilio Delos Reyes.

            Sa panayam na isinagawa ni Cathy Cruz ng DWAD at Raffy Rico ng Manila Star kamakailan na naging malugod ang kanyang pagtanggap sa mga katanungan hinggil sa nangyari sa mga magsasaka ng Negros Occidental kaugnay sa hinihiling na karagdagang pondo para sa pagsasakatuparan ng pagkakaloob ng Certificate of Land Ownership o CLOA. Bagamat niliwanag nyang hindi sya ang tamang opisyal na dapat magsalita tungkol dito ay itinuro nya sa amin kung saang tanggapan at sino ang dapat naming puntahan pagkat ayon sa kanya ay Field Operations dapat daw itanong ito o kay Undersecretary Rosalina L. Bistoyong.

            Pabiro at tapat nyang sinagot kami na ang kanyang tanggapan o sya mismo ay tanging ang nalalaman ang pera ng kanilang ahensya at nagsisilbing taga-proseso ng mga karapat-dapat na kagastusan upang ipatupad ang mandato ng DAR subalit ang operasyon at mga batas kaugnay sa pagpapatupad ng pamamahagi at katiyakang maibigay ang serbisyo ng kanilang ahensya ay hindi nya alam.

            Subalit pagdidiin din nya na sa kasalukuyang pamamahala ng Kalihim ng DAR ay natitiyak nyang dinadala ang pondo o pera ng kanilang ahensya sa tamang paraan. Bukod dito ay nabanggit ni Dir. Tess Panlilio na ang mga hindi lamang nagsisimula o nagtatapos ang CARP sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka kundi tinuturuan at sinasanay din silang maging isang ‘enterpreneur’.

            Kung mayroon man aniya na mga magsasaka na nagkakaroon ng hinaing at lumalapit sa kanilang tanggapan ay hinahanapan naman ng pamamaraan ng kanilang ahensiya upang maipagkaloob o maipatupad ang kaukulang tulong sa mga magsasaka sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

            Si Dir. Tess Panlilio ay maituturing na isa sa mga opisyal ng Kagawaran ng Agraryo na nagmula sa simpleng kawani lamang o yung wika nga nila ay “rose from the ranks”. Subalit sa kabila ng pag-angat ng kanyang posisyon sa nasabing ahensya nanatiling nakatuntong ang kanyang mga paa sa lupa at abot kamay mo lamang. Sabi nga nya trabaho lang walang personalan. Tulad ni Kalihim Virgilio Delos Reyes dati na rin syang naging Undersecretary ng ahensiyang ito kung kaya di kataka-taka na mas tutok ngayon tunay na implementasyon ng mga di mabilang na proyekto at pamamahagi ng lupa sa mga lalawigan. Yung mga puwede at di problemadong lupa ay agarang inaasikaso upang maipagkaloob sa mga magsasakang matagal nang nagbubungkal ng lupa at asahan na hindi hihinto ang mga opisyal na ito na totoong isakatuparan ang layunin na paangatin ang buhay ng bawat magsasakang Pilipino. -30- Cathy Cruz, Philippine Science Journalist Mega Manila

Latest

Meralco Executive Calls for Integrity and Innovation, Hails “Golden Age” of Electrical Engineering

In a landmark address that juxtaposed a call for...

New “Save the PH Coalition” Launches with Scathing Attack on President, Endorses Sara Duterte

In a fiery speech marked by religious fervor, personal...

Rob Rances Urges Collective Action for Philippines

Rances at Coalition Launch: "Philippines in State of Collapse,...

Eagles Leader Calls for Unity and “Quality over Quantity” in Landmark National Congress

In a stirring address at the 43rd National Congress...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

Herbal Restoration: Unlocking Skin Immunity with Centella Asiatica

In an era where skincare is increasingly leaning into...
spot_imgspot_img

Meralco Executive Calls for Integrity and Innovation, Hails “Golden Age” of Electrical Engineering

In a landmark address that juxtaposed a call for professional integrity with a sweeping vision for the nation's energy future, Engr. Ronnie L. Aperocho,...

New “Save the PH Coalition” Launches with Scathing Attack on President, Endorses Sara Duterte

In a fiery speech marked by religious fervor, personal anecdote, and stark political prophecy, the "Save the Philippines Coalition" was officially launched, with speaker...

Rob Rances Urges Collective Action for Philippines

Rances at Coalition Launch: "Philippines in State of Collapse, Warns Against 'Unconstitutional' Power Grab" QUEZON CITY – In a fiery speech that blended stark political critique...