Feature Articles:

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

LINA’S TOWN RISES AGAIN MAPAPANOOD NA RIN, TUNAY NA KUWENTO NG ISANG BT CORN FARMER

mixing-books-movies-for-children
THE TRUE TO LIFE STORY OF BT CORN FARMER CONSOLACION REYES FROM TACURONG, SULTAN KUDARAT. Lina’s Town Rises Again children’s book was distributed in the elementary school students in different parts of the country. The book is written by Charina Garrido-Ocampo and published by Monsanto Philippines. The children’s books has its animation which can be watched in youtube. (Photo courtesy by: Manila Times and Monsanto Philippines)

LIBRONG PAMBATA AT MAIKLING PAGSASAPELIKULA ng “Lina’s Town Rises Again ang isinagawa kamakailan ng Biotech Coalition of the Philippines (BCP) sa mga mag-aaral ng Mines at Project 6 Elementary School sa Quezon City.

Ang Lina’s Town Rises Again ay pagsasadula ng tunay na kuwento ng isang magsasaka mula sa Sultan Kudarat na si Consolacion Reyes. Nagsimula ang kuwento nang maapektuhan ang kanilang pamilya ng bagyong Pablo, nasira ang kanyang pananim at bahay binaha ang kanilang buong bayan. Dahil sa pagmamagandang loob ng isang kaanak na nagtatanim na ng BT corn seeds ay nagpautang kay Aling Conching upang tulad nila ay mahango ang kanilang buhay sa kahirapan. Lumipas ang panahon ng pagtatanim at nag-anihan na, napatunay ni Aling Conching ang kinukuwento ng kanyang kaanak tungkol sa mataas na ani na resulta ng makabagong siyensa sa mais. Dahil dito, hindi lamang ang tsinelas na hiningi ng anak ni Gng. Reyes na si Lina ang natupad kundi nakapagpatayo rin sila ng malaking bahay, higit na maganda, matibay at malaki sa dati nilang tinitirhan. Hanggang sa kasalukuyan, tulad ng maraming magsasaka gaya nina Edwin Paraluman at Reynaldo Cabanao, mga magsasaka mula sa Mindanao ay patuloy na tumaas ang ani at bumuti ang kanilang buhay dahil sa bioteknolohiya sa agrikultura na nalikha ng ating mga sayentista.

Samantala, tuwa ang masisilayan sa mga batang nakatanggap ng pambatang libro at nakapanood bilang pagsuporta ng Biotech Coalition of the Philippine na pinangunahan naman ni Abraham Manalo. Kasama rin ng BCP ang mismong may-akda ng Lina’s Town Rises Again na si Charina Garrido-Ocampo, ang Corporate Engagement Lead ng Monsanto Philippines.

Taimtim na nakikinig ang mga mag-aaral ng Project 6 Elementary School sa may-akda ng Lina's Town Rises Again. Ang aktibidad ay bilang suporta ng Biotech Coalition of the Philippines at Monsanto Philippines sa ginanap na National Biotechnology Week ng Department of Agriculture. (Photo by: Jimmy Camba)
Taimtim na nakikinig ang mga mag-aaral ng Project 6 Elementary School sa may-akda ng Lina’s Town Rises Again. Ang aktibidad ay bilang suporta ng Biotech Coalition of the Philippines at Monsanto Philippines sa ginanap na National Biotechnology Week ng Department of Agriculture. (Photo by: Jimmy Camba)

Bago pa man napunta sa pribadong sektor si Ms. Chat Ocampo ay hindi na matatawaran ang kanyang ambag sa lipunan bukod sa pagbibigay kaalaman sa agrikultura gamit ang siyensa at teknolohiya.

Nasa unibersidad pa lamang ay kinakitaan na si Ocampo ng kanyang galing sa panulat nang maging Editor-In-Chief sya ng pahayagang “Daluyong” na nakalimbag sa salitang Filipino nang siya ay nag-aral sa Davao City National High School.

Nagtapos sya ng kursong Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas na isang cum laude.

Bagaman nasa pribadong sektor, ang pagmamahal sa panulat ay hindi kinaligtaan at naging daan ito upang ang kanyang karanasan sa modernong siyensa sa agrikultura ay kanyang nagagamit. Dati siyang naging Community Relations Manager ng International Rice Research Institute (IRRI) noong 2003 at una nang nakapagsulat ng pambatang libro tungkol sa bigas nang siya ay naging tagapagsalita para sa  Gender and Diversity Program ng IRRI.

Ang kanyang karera sa paglilingkod sa pamahalaan ay hindi lamang napatunayan sa kanyang mga nailimbag na librong pambata. Ang palatuntunang “Ang bayan at Kongreso” ay nagbigay pagkakataon sa kanya upang ang sariling gawang mga balita, kaalaman at impormasyong inihahatid din ng mga resource person ay kanyang naisatinig sa kaisa-isang himpilan ng pamahalaan, ang Philippine Broadcasting Service (PBS).

Ang “Bayan at Kongreso” na napakinggan sa Radyo ng Bayan ay naging daan upang maipaalam sa taumbayan ang mga ginagawa ng Kongreso para sa kabutihan at kapakanan ng bayan at ng mamamayan.

Hindi rin malilimutan ang kanyang mga naiambag sa pagpapahalaga sa kasaysayan. Sya ang isa sa mga Information Officer ng bagong tatag na Public Information Office ng Korte Suprema ng bansa sa ilalim ng pamunuan ni Chief Justice Hilario Davide.

Sa panunungkulan at iba’t ibang karanasan na hinawakan ni Chat Ocampo sa halos apat na taon sa Judicial Branch, ang pahayagang o newsletter na “Benchmark” at ang libro ng Laws and Jurisprudence on Built Heritage ang simbolo ng kanyang pagmamahal sa bayan, sa kasaysayan at sa susunod na henerasyon ng ating bayan.

Ang libro ay tungkol sa pagpapaalala sa taumbayan na kailangang protektahan ang mga historical sites, landmarks, shrines and monuments ng bansa.

Patunay lamang ang pagkilalang ng Anvil Awards na ang nailimbag na librong pambata ni Charina Garrido-Ocampo ay isang magandang ambag upang ang kabataan natin ay makita ang kahalagahan ng siyensya at agrikultura hindi lamang sa pamilya kundi sa buong mundo.

“Popong Eats His Rice” at “Popong Eats Brown Rice ang mga nauna nang isinulat at inilimbag na librong pambata.

Patuloy naman ang pamimigay ng “Lina’s Town Rises Again” sa mga piling paaralan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas upang paigtingin at ipaalam ang kabutihan ng Biotechnology sa agrikultura. Tinatalakay nito ang mga tema ng pagtutulungan, kaligtasan at pagpapanatili ng likas na yaman.

Ang librong pambata na “Lina’s Town Rises Again” ay mapapanood na rin. Nauna nang ipinapanood ang nasabing animation sa mga mag-aaral mula sa isang pampublikong paaralan sa Cagayan at Davao City at ayon kay Ocampo, nakakapagbigay pag-asa ang naging pagtugon ng mga bata rito. Naging interesado aniya, ang mga mag-aaral sa agrikultura at masisiglang nagsipagtanong tungkol sa biotech crops matapos mapanood ang kwento.

Samantala, ayon kay BCP Executive Secretay Abe Manalo, maraming impormasyong makukuha ang mga batang mag-aaral sa internet sa panahon ngayon kaya “mahalagang mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na ito na masuri at matiyak ang katotohanan ng bawat impormasyong kanilang nababasa. Ito ang dahilan kung kaya’t binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagtanong matapos ang panonood. #

Dagdag pa ni Ocampo, layunin ng kwento ni Aling Conching na makapagbigay inspirasyon sa mga batang mag-aaral na magkaroon ng kakayahang makabangon agad sa kabila ng mga nararanasang unos sa buhay at maituro ang mga kahalagahan ng pagsisikap, pagtulong sa kapwa, at pagtititwala sa pagmamahal at awa ng Maykapal.

Ang Lina’s Town Rises Again ay ang ikatlong librong isinulat ni Ocampo. Nauna na niyang isinulat ang mga librong Popong Eats His rice at Popong Eats Brown Rice.

Ang BCP naman ay isang non-stock, non-profit na organisasyon na nagtataguyod sa responsableng paggamit ng biotechnology. Hinihikayat din nito paggamit ng biotech crps na ligtas at mabuti sa kapaligiran.# (Cathy Cruz)

Latest

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si...
spot_imgspot_img

6 to 7 out of 10 Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution

A recent survey conducted by Tangere has revealed that 62.9% Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution, a...

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments, in-app marketing and exclusive campaigns during the year-end travel peak The number of travelers using their...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in Tondo, Manila, the Philippines Smoke-Free Movement (PSFM) is calling on Manila City Mayor Dr. Honey...