By: Adela Garapan Ida
Ang New Vois Association of the Philippines (NVAP) ay nananawagan sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na sumunod sa panawagan ng World Health Organization sa pagbigay antas sa Larangan ng Pelikula na nagpapakita ng eksena tungkol sa paninigarilyo.
Ayon sa Pangulo ng NVAP, Elmer Rojas walang dahilan ang MTRCB na balewalain ang panawagan ng WHO tungkol dito sapagkat ang layunin lamang nila ay mabantayan ang kapakanan ng milyong milyon mga bata na huwag masangkot sa paggamit nito.
Ang MTRCB ay isang kinatawan na inatasan ng ating Pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan ng Sining at Pelikula sa ating bansa. Tungkulin din nila na masusi pagaralan ang bawat ipinapalabas ng media at bigyan antas at suriin kung saan angkop ang istorya ng sa ganun hindi ito labag sa moralidad at kaisipan ng tao at higit sa lahat ang kabuuhan ng mga bata.
Ang Pilipinas ay isa sa mga kasapi at lumagda sa WHO Framework Convention on Tabacco Control (WHO FCTC) na dapat tayo makiisa sa pagkilos at panawagan ng ating Pamahalaan bawasan at iwasan ang paggamit ng sigarilyo upang mapangalagaan ang kalusugan ng tao.
Ayon sa pananaliksik at masusing pag-aaral ng mga dalubhasang kinatawan ng WHO, ang media ang pinakabisa at malaki ang impluwensya upang tahasan tutulan ang talamak na paggamit ng sigarilyo at muling idiin ang epekto nito ay nakakasira sa kalusugan at kinabukasan .
Dahil dito, ang WHO ay nagrerekommenda sa Industriya ng Pelikula na magkaroon ng Advertisement tungkol sa negatibong epekto ng paninigrilyo.#