Magdudulot ng rotating water service interruptions sa ilang lugar ang gagawing pipe re-alignment ng Maynilad upang magbigay daan sa proyektong gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ire-re-align ng Maynilad ang nasa 2,200-mm diameter (seven-foot tall) nitong primary line sa kabahaan ng Juan Luna St., corner Hermosa St. sa Tondo, Maynila. Madadanan kasi ng gagawing interceptor drainage line ng DPWH ang mga pipe na ito ng Maynilad.
Magsisimula ang water rotating interruptions ala-una ng hapon sa Agosto 10 hanggang alas-diyes ng gabi sa Agosto 13. At ala-una ng hapon sa Agosto 17 hanggang alas-tres ng hapon sa Agosto 18.
Upang mabawasan naman ang perwisyong dulot nito sa mga consumer, hiling ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig.
Samantala, may naka stand-by naman na 35 tankers ang Maynilad na magbibigay ng tubig sa mga area na makakaranas ng mas matagal na water interruption. (Freda Migano)