Feature Articles:

Trump Declares “New Middle East” in Historic Knesset Speech, Announces End of Wars and Hostage Crisis

Former U.S. President Donald Trump stood before the Israeli...

BEYOND THE BAN: How Bt Corn Transformed Lives and Strengthened Communities in Pampanga, Study Reveals

A groundbreaking study presented today during the Media Forum...

Philippines Unveils National AI Strategy, Charts Path for “AI-Powered New Philippines” by 2028

The Philippine government today launched an ambitious, nationwide push...

ANG GURO

Former Department of Education Undersecretary Antonio 'Butch' A.S. Valdes after session of the Saturday Class at his residence, with him are AB Communication students from ICCT Colleges Foundation.
Former Department of Education Undersecretary Antonio ‘Butch’ A.S. Valdes after session of the Saturday Class at his residence, with him are AB Communication students from ICCT Colleges Foundation.

Isang matinding paninidigan at pagnanais na makapagbahagi ng kanyang kaalaman, Iyan ang ilan sa mga karakter na aking napansin nang makaharap ko si former Undersecretary Antonio “Butch” Valdes sa isang lecture sa kanyang tahanan nitong nakaraang Sabado (Aug. 1, 2015) .

Sa lecture na ito ay ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan ng mga ‘kaliwete’ o lefties kung tawagin sa lipunan sinabi niya na ang mga ito ay mayroong dalawang klase ng ideolohiya, ang Communism at Free Market.

Ang communism ay may kagustuhan na maging pantay-pantay ang bawat mamamayan,Sa madaling salita walang mahirap o mayaman, Layunin ng mga ito na kunin ang pagmamay-ari ng mga nakatataas sa lipunan at ibahagi sa mahihirap.

Paniniwala pa ng mga ito na natural lang sa ating mga tao ang lalong ilugmok sa hirap ang mga mahihina, katulad na lamang ng mga hayop nabubuhay tayo sa patakaran kung saan ang malalakas ay palaging nadadaig ang mahihina.

Samantalang ang free market naman na nanggaling kay Adam Smith ay patungkol sa ekonomiya kung saan ang malalakas na negosyo ay lalamunin ang maliliit at nagsisimula pa lang.

Ayon pa sa kanya na ang dalawang ideolohiya na ito ay parehong mali at nakasasama sa ating lipunan. Bagamat, magkaiba man ang tawag sa dalawang ito ay nagkakapareho ito sa napakaraming bagay.

“The stronger will always overpower the weak and the rich will always exploit the poor.” 

Iyan ang mga katagang sinabi ni Sir Butch na isa sa mga tumatak sa aking isipan at pati na marahil sa aking mga kasamahan. Sinabi pa niya na ang ganitong pundasyon ng pag-iisip ay mali sapagkat walang problemang maayos kung paiiralin natin ang ating pagnanais na makalamang sa iba.

Dagdag pa ni Sir Butch na imbes na ang dalawang ideolohiya na ito ang pairalin ay mas makabubuti kung gumamit tayo ng tamang pamamaraan, katulad na lamang ng pag intindi ng totoong kalikasan ng tao, madalas kasi ay hindi natin alam ang tunay na kapasidad ng ating kakayahan bilang isang indibidwal at mahalaga raw kung tayo ay hihingi ng tulong sa iba na siyang makapagpapakita sa atin ng tunay nating potensyal.

Isa pa ring makatutulong ng higit ay kung lahat tayo ay magkaroon ng pagnanais na makapagbigay tulong sa ating kapwa.

Sa pagpapatuloy ng usapan ay naikuwento rin niya ang pag-imbita sa kanya ng isang grupo kung saan nagkakaroon ang mga ito ng hindi pagkakasundo sa usapang China at Amerika, sinasabing ang isa raw ay Anti- China at ang isa ay Anti-America.

Pinakamainit na diskusyon  rito ay ang usapin ng Spratly Island na hanggang ngayon ay pinag- aagawan pa rin ng Pilipinas at Tsina,

Ang isa pa sa lumalabas na problema sa pagitan ng mga Anti-China at Anti- America ay ang usapin kung bakit ang  China na hindi pa nakakalapit ng husto sa bansa ang pilit binibgyan ng pansin at kinatatakutan samantalang ang Amerika raw ay matagal nang nasa ating teritoryo.

Sa nangyaring diskusyon ay naitanong kung bakit hindi pumapayag ang ating bansa sa mungkahi ng Tsina na magkaroon ng ‘bilateral talk’ sa pagitan nila at ng Pilipinas upang mapag-usapan ang problemang kinakaharap ng dalawang bansa ngunit tumanggi rito ang Pilipinas sapagkat mas nanaisin daw nila ang dalhin sa korte ang agawang nagaganap.

Iminungkahi rin ni Sir Butch ang Treaty of Westphalia na nakatulong upang magkaroon ng katapusan ang tatlumpung taong digmaang nagaganap noon sa mga bansang France, Germany, Netherlands, Spain at Sweden, kung saan nagpulong ang mga ito upang magkaroon ng solusyon ang nagaganap na digmaan at di kalaunan ay maging dahilan upang magsimula ang scientific at conjugal economic development ng buong Europa.

Nagpahayag rin ng matinding opinyon si Sir Butch nang tinanong niya kung bakit kailangan pang magkaroon ng labanan gayung mayroon tayong pagkakataon upang maresolba ang issue at magkaroon ng parehong kapayapaan para sa dalawang bansa.

Isang mahabang diskusyon na punong-puno ng aral at impormasyon ang ibinahagi sa amin ni Sir Butch Valdes noong Sabado sa kanyang tahanan na talaga namang nagbukas sa aming isipan patungkol sa mga bagay na pawang kaylan lang ay isang palaisipan para sa amin.

At sa pagtatapos nga ng usapang iyon ay isang payo ang binitiwan sa amin ng dating Undersecretary ng Department of Education patungkol sa aming tinatahak na landas sa malawak na mundo ng jornalismo, ito ay ang pagiging dedikado sa aming trabaho at ang pagiging tapat hindi lang sa sarili kungdi pati na rin sa aming sinumpaang tungkulin na ilabas ang katotohanan sa kabila ng mga temptasyon at balakid, para sa ikabubuti ng ating sambayanan. 

ANG GURO2

#

By:  EDRILLAN CAWIGAN PASION3 Edrillan Pasion

Latest

Trump Declares “New Middle East” in Historic Knesset Speech, Announces End of Wars and Hostage Crisis

Former U.S. President Donald Trump stood before the Israeli...

BEYOND THE BAN: How Bt Corn Transformed Lives and Strengthened Communities in Pampanga, Study Reveals

A groundbreaking study presented today during the Media Forum...

Philippines Unveils National AI Strategy, Charts Path for “AI-Powered New Philippines” by 2028

The Philippine government today launched an ambitious, nationwide push...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

DPWH Declares Anti-Corruption Pact Invalid, Watchdog Alleges Retaliation for Graft Cases

A formal agreement between the Department of Public Works...
spot_imgspot_img

Trump Declares “New Middle East” in Historic Knesset Speech, Announces End of Wars and Hostage Crisis

Former U.S. President Donald Trump stood before the Israeli Knesset on Wednesday and declared an end to the war with Hamas, the return of...

BEYOND THE BAN: How Bt Corn Transformed Lives and Strengthened Communities in Pampanga, Study Reveals

A groundbreaking study presented today during the Media Forum on Biotech R&D and Regulatory Landscape in the Philippines at Century Park Hotel, reveals that...

Mayor Belmonte Hails QC Employees as “Unsung Heroes,” Reaffirms Anti-Corruption Stance on City’s 86th Anniversary

In a spirited address during the Quezon City Employees' Day celebration, Mayor Josefina "Joy" Belmonte lauded the city's over 19,000-strong workforce as the backbone...