Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang programang Sustainable Corn Production in Sloping Areas (SCOPSA) ay pinalawak na hanggang sa Visayas at Mindanao upang mapalakas pa ang pag-aani sa country’s champion crop na nasira dahil sa El Niño. Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na “there are critical sloping areas in the said areas where many farmers plant corn.”
Kabilang sa mga kritikal na mga lugar ay ang Sara at San Dionisio, na parehong nasa Iloilo. Pangunahing target ng SCOPSA ang mapigilan ang soil erosion.
Target ng SCOPSA ang mapataas ng sampung porsyento (10%) ang income ng mga magsasaka ng mais sa pamamagitan ng pagkakaroon ng angkop na soil-conservation measures sa maisan. Kabilang sa mga hakbang nito ang pagtatatag ng contour lines o contour farming sa mga sloping areas.
Saad ni Alcala, “The proper way of establishing contour lines is across the slope, not along the slope, so that when the rains come, the waters won’t erode the topsoil and the nutrients it contains.”
Plano ring dagdagan ang ektaryang lupain ng maisan ng sampung porsyento sa 2016 sa pamamagitan ng proper soil-protection methods. Ayon sa SCOPSA Ang pagguho ng lupa ay nababawasan ng sampung porsyento (10%) sa pamamagitan ng pagtatanim ng mais. (DA-OSEC) (Lynne Pingoy)