Feature Articles:

Pinakamahusay na mga kumpanya na pagtrabahuhan, 3-taon nakamit ng USANA

Muling pinarangalan ng prestihiyosong HR Asia Award ang USANA...

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and...

Manila Water ramps up new water and sewer connections in first half of 2024

In its bid to expand its water and wastewater...

EDUKASYON PRAYORIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG TAGUIG

NANINIWALA ang lokal na pamahalaan ng Taguig na Edukasyon ang susi ng pag-unlad ng isang tao. Isang magandang halimbawa ang naging iskolar ni Mayor Lani Cayetano na si Hazel Marie V. Tibule, taga Barangay Hagonoy ng nasabing lungsod.

Kongresista si Mayor Lani Cayetano nang mapabilang si Tibule sa nabiyayaan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng asawang Senador na si Alan Peter Cayetano.

Matatandaan na ang nasabing iskolar at salutatorian ng Western Bicutan National High School noong 2006 ay nakapagtapos ng Kursong Engineering sa University of the Philippines, Diliman at pang-siyam sa nakaraang Metallurgical Engineer Licensure Examination na nakakuha ng 81.60 porsiyento sa nasabing pagsusulit.

Nagpahayag ng kasiyahan si Mayor Lani sa natamong tagumpay ni Hazel at bilang pagkilala sa bagong Metallurgical Engineer ay pagkakalooban ito ng parangal ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa pagpupunyagi nya sa pag-aaral. Patunay lamang umano na hindi hadlang ang kahirapan upang matamo ang tagumpay sa buhay.

Bunsod nito, inilunsad ng alkalde ang pitong (7) klase ng ‘scholarship’ sa programa ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI). Kamakailan ay nailipat sa 14 na pribadong paaralan sa Taguig ang 1,500 mga estudyante ng pampublikong mataas na paaralan na binigyan ng Taguig Learners Certificate (TLC) na nilaanan ng P100 milyong pisong pondo para sa may 13,200 estudyante sa lungsod.

Nakatakda rin ang pagpapatayo ng paaralan at ‘day care centers’ upang bigyang kalutasan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Taguig.

Ayon kay Atty Darwin Icay, tagapagsalita ng alkalde na nais nitong manatili ang nasabing proyekto para sa mga kabataan lalo na sa mga matatalinong mag-aaral ng kanilang lungsod kahit wala na sya sa panunungkulan. Sa kasalukuyan ay naglagak ng pondong P1 bilyong piso para sa mga programang pang-edukasyon ng Lungsod ng Taguig. Cathy Cruz, DWAD Lingkod Bayan

Latest

USC, SEARCA win global accolade for bioplastics project

The University of San Carlos (USC) and the Southeast...

Pinakamahusay na mga kumpanya na pagtrabahuhan, 3-taon nakamit ng USANA

Muling pinarangalan ng prestihiyosong HR Asia Award ang USANA...

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and...

Manila Water ramps up new water and sewer connections in first half of 2024

In its bid to expand its water and wastewater...

Newsletter

spot_img

Don't miss

Agarang aksyon ng mga bansa sa Asya Pasipiko para bawasan ang panganib ng kalamidad

Ang mabilis at sama-samang pagkilos ng mga bansa sa...
spot_imgspot_img

USC, SEARCA win global accolade for bioplastics project

The University of San Carlos (USC) and the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) shared the spotlight when...

Pinakamahusay na mga kumpanya na pagtrabahuhan, 3-taon nakamit ng USANA

Muling pinarangalan ng prestihiyosong HR Asia Award ang USANA Philippines sa pagiging isa sa Best Companies to Work For in the Philippines. Natanggap ng...

Manila Water leads tree planting activities in crucial watersheds under Pasibol program

On its continued commitment to ensure water security and environmental protection, Manila Water kicked-off this year’s implementation of its multi-stakeholder tree planting program Pasibol...