Matagumpay na naisagawa ang humanitarian mission na pinamagatang “Operation Tabang” upang tulungan ang mga biktima ng kamakailang lindol na tumama sa rehiyon.

Ang operasyon ay inorganisa ng Philippine Jaycee Senate Foundation, sa pakikipagtulungan ng JCI Senate Davao del Norte (1979 Foundation). Nagsanib-puwersa ang mga miyembro ng JCI Greater Davao, JCI Apo Duwaling, JCI Durian City, at JCI Kadayawan upang maghatid ng agarang tulong at suporta sa mga apektadong pamilya.
Ginanap ang distribusyon ng tulong sa Barangay San Ignacio, Manay, Davao Oriental, kung saan nakapamahagi ang grupo ng mga relief goods, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga residente na labis na nasalanta ng sakuna.
Pinangunahan ang nasabing operasyon nina Board of Trustee Sen. Estrellita “Neng” Juliano-Tamano at Victoriano V. Cruz. Chairman of the Board of Trustees of the Philippine Jaycee Senate Foundation (PJFS), na may layuning isabuhay ang diwa ng “Service to Humanity is the Best Work of Life.”