KAUGNAY sa ika-100 taong selebrasyon ng Nestle Philippines ay muling nagsagawa ng ika-35 Pambansang Milo Marathon sa iba’t ibang panig sa bansa. Layunin nitong makapamahagi ng 4,200 pares ng sapatos sa mga mahihirap na mag-aaral sa buong bansa.
Tinatayang nas 10,000 pares na ng sapatos ang naibahagi ng Nestle Philippines sa mga piling estudyante na rekomendado ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na itinuturing na mga pinakamamagagaling sa estudyante mula sa Iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas.
Ilan sa mga mabibiyayaang paaralan ay ang Pasay City Science High School, Caruhatan National High School, Fort Bonifacio High School, Tatalon Elementary School, Gen. Pio Del Pilar High School, Carlos L. Albert High School, Benigno Aquino High School, Kalayaan National High School, Gen. Ricardo Papua Memorial High School, at Manuel L. Quezon Elementary School.
Ang Pambansang Milo Marathon Elimination Round ay isinagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Inaasahan na magsasagawa naman sa Agosto 21 sa Batangas, Agosto 28 sa Puerto Princesa, Setyembre 4 sa Naga, Setyembre 11 sa San Pablo, Setyembre 18 sa Iloilo, Setyembre 25 sa Bacolod, Oktubre 2 sa Cebu City, Oktubre 9 sa Tagbilaran, Oktubre 16 sa Cagayan De Oro, Oktubre 23 sa Butuan, Oktubre 30 sa General Santos at Nobyembre 6 sa Davao. Gaganapin naman ang Finals sa Maynila sa Disyembre 11. Cathy Cruz, PSciJourn Mega Manila