Noong nakaraang linggo, isinakatuparan ni Pangulong Donald Trump ang imposible: ang kapayapaan sa Gitnang Silangan. Sawang-sawa na silang lahat sa digmaan.
At ito ay para sa buong Gitnang Silangan—higit pa ito sa Gaza. Napakahalaga ng Gaza, ngunit lagpas ito roon. Ito ang kapayapaan sa Gitnang Silangan.
At isa itong magandang bagay. Alam mo, isa itong terminong naririnig natin simula pa noong tayo’y bata, ‘di ba? At ngayon, may pagkakataon tayong magkaroon talaga nito. Walang iba ito kundi isang tagumpay.
Sa loob ng mga siglo, naging episentro ang Gitnang Silangan ng walang katapusang mga digmaang imperyal. Bilang tugon, nagsisikap ang mga globalist na wasakin ang ekonomiya ng U.S. at sirain ang koalisyong nagdala kay Trump sa White House. Si Mark Carney ng Canada ang piniling tao upang pagtibayin ang kanilang plano.
Sa isang piraso ng estratehiyang laban kay Trump noong Huwebes, sinabi ng The Economist na ang mga tariff at patakaran sa imigrasyon ni Trump ay tiyak na magdudulot ng pulitikal at ekonomiyang paghihirap. Sabi nila, “Ang sakit mula sa mga pagbabawal sa kalakalan at imigrasyon ay hindi maaaring ipagpaliban magpakailanman.” Bagama’t ito’y parang pantasya lamang dahil hindi naman nangyari ang gayong mga epekto sa mga tariff hanggang ngayon, ipinagpatuloy nila na si Mark Carney ay bumubuo ng isang bloke ng malayang kalakalan na binubuo ng Canada, EU, at Asya upang i-isolate at lampasan si Trump.
Ako si Barbara Boyd, at sa loob ng mga dekada ay nagedokumento ako ng kasamaan ng modernong imperyong British. Kung sinusubaybayan ninyo ang aming mga update at pinahahalagahan ang mga katotohanan at direksyong aming ibinibigay, mangyaring i-like at i-share ang isang ito. Nakakatulong ito para mas marami ang aming maabot sa YouTube.
Ngayong araw, pag-uusapan muna natin ang tagumpay ni Trump sa kapayupaan sa Gitnang Silangan at ang ilang mga nakakagulat na pangyayari sa digmaan sa Ukraine. Pagkatapos, tatalakayin natin ang nagpanik na tugon ng imperyo. Sinisikap nilang hadlangan ang modernong rebolusyong pang-industriya ni Trump sa pamamagitan ng digmaang pampinansyal at sa pagpapasiklab ng marahas na paghihiwalay laban sa pamahalaang pederal.
Una, ang Tagumpay sa Kapayapaan ni Trump
Mula nang magsagawa si Trump ng presisyong atake sa mga pasilidad ng nukleyar ng Iran, ikinakalat ng intelihensyang British ang linyang si Trump ay isang hamak na alila lamang ni Benjamin Netanyahu. Tingnan lamang ninyo ang headline mula sa British foreign policy shop, ang maling-pangalang Carnegie Endowment for International Peace.
“Ang Mapanganib na Kapangyarihan ni Netanyahu kay Trump,” sabi nila. Target ng linyang ito ang mga mahahalagang bahagi ng political base ni Trump—ang mga Arab sa buong bansa, lalo na sa Michigan, at ang malaking bilang ng mga botanteng anti-digma, lalo na ang mga kabataang bumoto kay Trump nang todo. Kung alam lang ng mga tao ang tungkol sa Abraham Accords noong unang termino ni Trump, hindi nila sasampalatayanan ang kasinungalingang ito.
Malalaman nila na iginagalang si Trump sa mundong Arabe dahil sa kanyang trabaho para sa kapayapaan noong kanyang unang administrasyon, at hindi siya tau-tauhan ng sinuman. ‘Yan ang problema nila sa kanya. Ayon sa report, inayos ni Trump ang mga estadong Arabe para sa kanyang bagong plano sa United Nations noong Septiyembre 29.
Hindi imbitado ang Israel sa summit na iyon. Pagkatapos, ipinataw niya ang kapayapaan kay Benjamin Netanyahu. Nagulantang ang mga pulitikal na komentarista sa mabilis na pag-usad ng pangyayaring ito.
Paano nagawa ng tatlong lalaking nasa real estate—sina Trump, Steve Woodcock, Jared Kushner—na magtagumpay sa isang kasunduang pangkapayapaan samantalang nabigo ang mga propesyonal na diplomat sa loob ng mga dekada? Marahil ay dahil hindi na-brainwash ang mga ito sa sining ng diplomasya gaya ng ipinapraktis ng Imperyong British sa London o sa mga tulad ng Georgetown University o ng Fletcher School sa United States.
Magpupuntana si Pangulong Trump sa Israel sa Lunes, sa araw ng iskedyul na pagpapalaya ng mga hostage. Pagkatapos, pupunta siya sa Egypt para sa isang pambihirang kumperensya ng mga lider ng mundo upang siguraduhin ang mga susunod na hakbang sa peace process. Dadaluhan ang pagpupulong na iyon ng mga pinuno at ministro ng ugnayang panlabas mula sa Germany, France, UK, Italy, Qatar, UAE, Jordan, Turkey, Saudi Arabia, Pakistan, at Indonesia. Sa ngayon, hindi dadalo ang Israel.
Samantala, napilitan ang maging mga kaaway ni Trump na lumapit at batiin siya. Si Barack Obama ay isang halimbawa. Pinuri ni Obama ang tagumpay sa kapayapaan ngunit hindi niya nakayang banggitin ang pangalan ni Trump. Marahil ay iniuugnay niya ang tagumpay sa kanyang kaibigang si Tony Blair.
Si Blair, na siyang may-akda ng Digmaan sa Iraq at iba pang walang katapusang digmaan pagkatapos ng 9/11, ay desperadong nagsisikap na gumawa ng malaking papel para sa kanyang sarili sa mga negosasyong pangkapayapaang ito.
Noong Biyernes, nang iginawad ang Nobel Peace Prize sa oposisyong Venezuelan na si Maria Karina Machado, pinuna ni Russian President Putin ang Nobel Committee sa hindi paggawa nito kay Trump. Sinabi ni Putin na nadiskaril ang Nobel Peace Prize. Puna niya, naigawad na ito sa mga taong walang nagawa para sa kapayapaan. Hindi niya direktang binanggit si Obama, ngunit iginawad kay Barack Obama ang Nobel Peace Prize bago pa man siya manumpa sa tungkulin. Sinabi ni Putin na si Trump ay tunay na gumagawa ng marami upang, sabi niya, “malutas ang mga kumplikadong krisis na tumagal ng mga taon, kahit na mga dekada.”
Sa kabilang banda, sinabi ni Volodymyr Zelensky na susuportahan lang ng Ukraine ang premyo para kay Trump kung bibigyan niya ang Ukraine ng mga Tomahawk missile para tumira nang malalim sa Russia. Nakikita mo ba ang kabalintunaan dito? Mga missile para sa kapayapaan. Wala nang mas perpektong pagpapakita kung bakit nagpapatuloy ang digmaan sa Ukraine.
Ngunit sa isa pang sorpresa sa usapin ng kapayapaan, inanunsyo ni First Lady Melania Trump noong Biyernes na direktang nakikipagtulungan siya kay Vladimir Putin upang ibalik ang mga batang Ukrainian sa kanilang mga pamilya. Ang kasinungalingan na sinadya ng Russia na kidnapin ang mga batang Ukrainian ay naging pangunahing bahagi ng mga propaganda campaign ng Ukraine sa loob ng mga buwan.
Dito sa Promethean Action, ipinagmamalaki namin ang paglantad sa tunay na mga nagtutulak ng mga pangyayari. Kailangan namin kayong sumali sa aming komunidad ngayon. Ipinapangako namin na magkakaroon kayo ng kaalaman sa kasaysayan, pilosopiya, at klasikal na kultura na magagamit natin upang manalo sa labang ito para sa ating bansa. Mangyaring maging isang nagbabayad na subscriber sa aming newsletter. Ang link ay nasa description.
Ngayon, para kay Mark Carney at Canada
Inilantad ng The Economist ng London noong nakaraang linggo ang mga aspeto ng kanilang plano upang wasakin ang Estados Unidos sa aspetong ekonomiya. At sinikap nilang sabihin na si Prime Minister Mark Carney ng Canada ang may panlaban kay Trump, partikular na ang isang bagong bloke ng malayang kalakalan na magbubukod sa United States, at posibleng iaayon ang blokeng iyon sa China.
Alam ng aming mga manonood na si Carney ang nangungunang central banker sa mundo na namumuno na ngayon sa Dominion of Canada. Dahil sa kanyang karanasan sa pagdirehe sa Bank of England at Bank of Canada, malalim ang mga koneksyon ni Carney sa loob ng modernong imperyong pinansyal ng British at kasama na ang China at mga bansang BRICS.
Noong 2019 sa Jackson Hole, iminungkahi ni Carney na ang lahat ng desisyon sa paggasta ng pamahalaan ay dapat kunin mula sa mga inihalal na opisyal at ibigay sa mga central bank. Ang parehong pagpupulong sa Jackson Hole ay nagtampok ng masalimuot na mga talakayan tungkol sa isang digital currency na naaayon sa isang total surveillance state.
Ipinalalabas ng sunud-sunod na mga survey sa United States na ang inflation at mataas na cost of living ang nananatiling pinakakritikal na isyu para sa lahat ng botante. Minana ni Trump ang inflation mula sa pinsala ng administrasyong Biden at ng Federal Reserve. Gumagawa siya ng mga patakaran sa pabahay, pagsasaka, pangangalagang pangkalusugan, at enerhiya upang direktang tugunan ang mga gastos na iyon. Ngunit nangangailangan ng panahon ang pagtatayo muli ng ekonomiya mula sa pinakapundasyon.
Planong ipatupad ng mga globalist ang isang kumpletong media blackout sa mga hakbang pang-ekonomiya ni Trump upang isisi ang inflation sa kanyang mga tariff. Sa Michigan at Texas, nakikita na natin ang mga pangunahing kampanya ng Chamber of Commerce at Americans for Prosperity upang gawin ito. Tutol ang dalawang grupong ito sa mga tariff ni Trump simula pa noon.
Noong Biyernes, inanunsyo ng China na ipinagbabawal nila ang lahat ng rare earths. Mahalaga ang mga ito para sa computing, depensa, mga kotse, at marami pang ibang aspeto ng modernong industriya. Karamihan ay nakakita sa anunsyo bilang isang taktika sa negosasyon, ngunit maaari itong magsimula ng isang digmaang pangkalakalan, na naaayon sa planong “kaguluhan at pagkalito” ni Mark Carney.
Plano rin ni Carney na gamitin ang mga bansang bumubuo sa dating Trans-Pacific Partnership free trade agreement, kasama ang EU, bilang isang bloke ng malayang kalakalan na tutol sa United States. Ang 12 bansang iyon ay ang Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, United Kingdom, at Vietnam.
Samantala, hinahamon ng mga gobernador sa California, Oregon, at Illinois ang mga deportation ni Trump sa pamamagitan ng dumaraming mararahas na sagupaan at riot, na kanila namang inuudyukan. Ang kanilang mga aksyon ay katumbas ng isang neo-Confederate na pag-atake sa pambansang pamahalaan.
Sa Washington, nakasara pa rin ang pamahalaan. Ayon sa mga Republican, hindi makikipagnegosasyon nang seryoso ang mga Democrat hanggang sa kanilang nakaplanong “No King’s Day” na anti-Trump march sa Washington sa Oktubre 18.
Lumalaban nang matatag si Trump. Ngayong linggo, nagdaos siya ng briefing tungkol sa Antifa at iba pang mga anarkista at grupong prone sa karahasan at ang kanilang mga pag-atakeng terorista, na karamihan ay nasa mga estado at lungsod na kontrolado ng mga Democrat. Tinatarget niya ang kanilang mga tagapondar para sa pag-uusig at pagkawala ng anumang tax-exempt status.
Si Letitia James, ang New York Attorney General at “Lawfare Queen,” ay na-indict ngayong linggo. Inaasahang ang “mapandigmang” si John Bolton ay ma-i-indict sa susunod na linggo.
Ang malaking problema ng mga taong ito sa pagtatangkang wasakin tayo ay ang nagising nang populasyon ng Amerika. Ang aming pinakamalaking kahinaan ay hindi lubos na nauunawaan ng mga tao kung ano ang ginagawa ni Trump sa ekonomiya, kung ano ang kinakatawan ng kanyang American system economics. Kailangan niya ng tulong sa pagpapalaganap ng American system economics sa mas malawak na populasyon. ‘Yan ang kahinaang umiiral ang Promethean Action upang alisin.
Ngunit hindi namin mapapalawak ang aming coverage o ang aming mga klase, na kailangan naming gawin nang madalian ngayon, nang walang iyong pinansyal na tulong. Mangyaring mag-ambag ng hangga’t kaya ninyo ngayon. Magkita-kita tayong muli sa Lunes.#