Feature Articles:

Filipino Public Demands Snap Election Amid Distrust

The Philippine political landscape is facing a seismic shift,...

La Niña officially declared, PAGASA warns of increased flooding, landslide risks

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)...

Massive relief operation brings aid and gratitude to Masbate

A large-scale relief initiative, spearheaded by a coalition of...

Pnawagan ng PH Coop Chamber para sa isang lipunang walang korapsyon

Nagtutulak ang Philippine Chamber of Cooperatives, Inc. o PH Coop Chamber, ang nangungunang sentro ng adbokasiya para sa mga kooperatiba sa bansa, para sa isang lipunang may pamahalaang malaya sa anumang anyo ng korapsyon. Binigyang-diin ng samahan na malaki ang epekto nito sa operasyon at pamamahala ng mga kooperatiba, at sa buhay ng milyun-milyong miyembro ng mga ito.

Sa pagdiriwang ng National Cooperative Month ngayong Oktubre, binibigyang-pansin ng PH Coop Chamber ang mahalaga ngunit kadalasang hindi gaanong napapansing tungkulin ng mga kooperatiba sa pagbuo ng bansa bilang mga tagapagtaguyod ng mabuting pamamahala.

Kasabay nito, isinusulong ng samahan ang pag-amyenda sa Republic Act No. 9520 o ang Cooperative Code of 2008. Binibigyang-halaga nito ang ambag ng mga kooperatiba sa pagpapalakas ng lokal at pambansang ekonomiya, hindi lamang sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho at kabuhayan para sa milyun-milyong mahihirap at marginalized na Pilipino, kundi pati na rin sa paglalagay ng puhunan upang magbigay ng mga oportunidad sa negosyo sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.

ITINUTULAK NG MGA KOOPERATIBA ANG AWTONOMIYA AT DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA NG MIYEMBRO. Iginiit ng Philippine Chamber of Cooperatives, Inc. ang mga pangunahing reporma sa Philippine Cooperative Code of 2008 sa isang press briefing noong Oktubre 10 sa Bayview Park Hotel Manila. Alinsunod sa mga pandaigdigang halaga at prinsipyo ng mga kooperatiba, nanawagan ang grupo para sa: isang miyembro, isang boto; pagtitiyak ng awtonomiya ng kooperatiba lalo na sa pagpapasya kung saan ire-remit ang pondo para sa edukasyon at pagsasanay; pag-aalis ng indibidwal na TIN requirements upang makakuha ng sertipiko ng mga exemption sa buwis; at pagpapalakas ng pamamahalang batay sa mga miyembro.

Matapos ang National Taxation Forum na inorganisa ng PH Coop Chamber noong Oktubre 9, 2025 sa Lungsod Quezon, kung saan dumalo ang mahigit 200 pinuno ng kooperatiba mula sa iba’t ibang panig ng bansa, ibinahagi ng mga kooperatiba ang kanilang mga alalahanin sa mga regulasyong ipinapataw, kabilang na ang requirement ng BIR na kailangan ng TIN ng bawat indibidwal na miyembro upang makakuha ng Certificate of Tax Exemptions.

PH Coop Chamber Chairperson Noel D. Raboy

“Hinahamon ng PH Coop Chamber ang bisa ng mga revenue memorandum circular na ito sa harap ng Korte Suprema, na nangangatwirang ang mga kautusang ito ay labag sa batas na pumipigil sa mga pribilehiyo ng tax exemption na ipinagkaloob sa mga kooperatiba sa ilalim ng Cooperative Code,” ayon kay Noel Raboy, Tagapangulo ng PH Coop Chamber.

Hiniling din ng samahan sa pamahalaan na patatagin ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga kooperatiba nang hindi napapasan ng mga karagdagang, at ayon sa batas ay walang basehan, na mga administratibong requirement na mahigpit na ipinapatupad ng mga ahensyang regulatory. Nagdudulot ito ng mga multang umaabot sa milyun-milyong piso at nauuwi sa pagsasara ng mga kooperatiba.

“Ito ay patakaran ng Estado na paunlarin ang paglago at pag-unlad ng mga kooperatiba, at ang kanilang awtonomiya at kalayaan ay dapat laging panatilihin ayon sa nakasaad sa ating Saligang Batas,” dagdag ni Tagapangulo Raboy.

(From Left) PH Coop Chamber Secretary General Edwin A. Bustillos, Chairperson Noel D. Raboy, and Vice Chairperson Marlene D. Sindayen

Ang isyung ito tungkol sa requirement ng TIN ay naayos na sa mga panukalang pagbabago sa Cooperative Code na pinagtibay sa Senate Bill No. 1431 o ang consolidated bills na nagsususog sa Republic Act No. 9520. Bilang miyembro ng Technical Working Group sa kapwa Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado, ang PH Coop Chamber ay naghihintay na lamang sa iskedyul ng Committee Meeting sa Mababang Kapulungan upang maipinal ang kanilang bersyon ng mga panukalang pagbabago.

Binibigyang-diin ng PH Coop Chamber na ang anumang pagbabago sa Cooperative Code ay dapat laging sumunod sa mga pinagkasunduang halaga at prinsipyo ng kooperatiba, na pinapanatili ang demokratiko, awtonomo, at nakasentro sa tao na kalikasan ng mga kooperatiba. Patuloy na isusulong ng samahan ang resolusyon sa iba’t ibang isyung nakakaapekto sa operasyon ng mga kooperatiba para sa kapakanan ng mga Pilipinong kooperator.#

Latest

Filipino Public Demands Snap Election Amid Distrust

The Philippine political landscape is facing a seismic shift,...

La Niña officially declared, PAGASA warns of increased flooding, landslide risks

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)...

Massive relief operation brings aid and gratitude to Masbate

A large-scale relief initiative, spearheaded by a coalition of...

LINGAP Philippines celebrates Nine Years of empowering Special Learners in Masantol

The LINGAP Philippines - Special Education Program marked a...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Barzaga files radical Bill to abolish Value-Added Tax, citing “Injustice” on the poor

In a bold and controversial move, Congressman Vat Kiko...
spot_imgspot_img

Filipino Public Demands Snap Election Amid Distrust

The Philippine political landscape is facing a seismic shift, as a new nationwide survey reveals a profound crisis of confidence in all branches of...

La Niña officially declared, PAGASA warns of increased flooding, landslide risks

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) officially announced the onset of La Niña conditions in the tropical Pacific, raising the alarm...

Massive relief operation brings aid and gratitude to Masbate

A large-scale relief initiative, spearheaded by a coalition of civic organizations, private companies, and volunteers, has successfully distributed essential goods to thousands of residents...