Feature Articles:

Political Firestorm Erupts Over Budget Scandal, Calls for Marcos Impeachment Intensify

A political maelstrom is engulfing the Philippines, fueled by...

KliKA: The Gift That Gives Twice – Spreading Joy and Support with a Single Click

In a world saturated with material goods and fleeting...

Magalong nagbitiw sa ICI dahil sa pagdududa sa integridad

Nagbitiw si Baguio City Mayor Benjamin "Benjie" Magalong sa...

CCWI naghain ng reklamo sa Ombudsman laban sa mga opisyal ng DPWH sa Visayas

Nagsampa ng dalawang reklamo ang isang corruption watchdog laban sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Central at Western Visayas, na nag-aakusang ipinagkaloob ang mga bagong proyekto sa mga kontratistang kilala sa pagkaantala at palpak na gawa.

Ang Crimes and Corruption Watch International Inc. (CCWI), sa pamumuno ni Dr. Carlomagno Batalla, ay naghain ng mga sumbong sa Office of the Ombudsman. Ayon sa grupo, hayagang ipinagwalang-bahala ng mga rehiyonal na opisyal ng DPWH ang mga patakaran na nagsasabing dapat parusahan o itala sa blacklist ang mga kontratistang mahina ang performance. Sa halip, ang mga ito umano ay muling binigyan ng mga bagong kontrata, isang gawaing naglalagay sa pondo ng bayan at sa programa ng pamahalaan sa imprastruktura sa alanganin.

Ang unang reklamo, na inihain noong Setyembre 3, 2025, ay nakatuon sa tanggapan ng DPWH-Central Visayas. Kabilang sa mga pinatutungkulang opisyal sina Regional Director Danilo Villa, Accountant IV Joan Cano, at mga di-pa-pinangalanang miyembro ng kanilang Bids and Awards Committee (BAC).

Giit ng CCWI, ipinagkaloob ng mga opisyal ang mga kontrata para sa 2025 sa mga kompanyang may mga hindi pa naresolbang pagkaantala sa kanilang mga proyektong 2024. Dapat aniyang pinarusahan ang mga kontratista, hindi ginawaran ng mga bagong proyekto.

Kabilang sa mga pinangalanang kontratista ang QM Builders, Ganzalado Enterprises, ZLREJ Trading and Construction Corp., Quirante Construction Corp., Cebu 7th TechnoChem Industries Inc., at WTG Construction & Development Corp. Pahayag ng watchdog, sa pagpapatuloy sa mga kompanyang ito, nanganganib na maulit ang mga problema tulad ng pagkaantala, dagdag na gastos, at de-kalidad na trabaho sa mga proyektong tulad ng pagpapalapad ng kalsada, pag-ayos ng daluyan ng tubig, at rehabilitasyon ng tulay.

Ang ikalawang reklamo naman ay nakalaan sa mga opisyal ng DPWH-Western Visayas at sa International Builders Corp. (IBC).

Itinuturing na “kahina-hinala” ng CCWI ang rehabilitasyon ng Seksyon 2 at Seksyon 3 ng flood control project sa Iloilo, na nagkakahalaga ng P41.65 milyon bawat isa. Ipinatala na natapos ang dalawang malawakang proyekto na magkakaibang lamang ng limang araw noong Agosto 2023 – isang bagay na itinuturing ng grupo na “di-pangkaraniwang bilis.”

Ayon sa rekord, ang IBC ay mayroon nang mahigit 20 na naitalang pagkaantala. Sa ilalim ng mga patakaran sa procurement, sapat na ito upang masuspinde o ma-blacklist ang kompanya. Subalit, patuloy umanong nakakatanggap ng mga kontrata ang IBC.

Lalong pinalala ng sitwasyon ang pag-amin mismo ng mga opisyal ng DPWH 6 sa kanilang counter-affidavit na hindi nila isinuspinde o itinala sa blacklist ang IBC. Isinakatwiran ng CCWI na ito ay isang malinaw na halimbawa ng gross negligence o malubhang kapabayaan.

Iginiit ng CCWI na nilabag ng mga opisyal ang ilang batas, kabilang na ang:

  • Government Procurement Reform Act (RA 9184): Na nangangailangan ng pagsusuri sa nakaraang performance ng isang kontratista.
  • Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019): Na nagbabawal sa pagbibigay ng hindi patas na kalamangan sa isang pribadong entidad.
  • Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials (RA 6713): Na nangangailangan ng integridad at pananagutan sa mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Dr. Batalla, hindi ito mga teknikalidad lamang. “Kung hindi kami maghahain ng kaso, sino ang gagawa? Hahayaan na lang ba nating paglaruan ang pera ng taumbayan?” pagdidiin niya.

Aniya, ang direktang epekto nito ay ang pagkasayang ng bilyun-bilyong piso ng taumbayan sa mga sirang kalsada, bigong drainage system, at di-natutulos na tulay. Nanganganib din ang kredibilidad ng pamahalaan sa ilalim ng “Build Better More” program.

Hiniling ng CCWI sa Ombudsman na managot ang mga opisyal sa administratibo at kriminal na paraan, disqualifiedahin sila sa paghahawak ng anumang pampublikong tungkulin, at i-blacklist ang mga kontratista.

Maaaring ibasura ng Ombudsman ang mga reklamo o maglunsad ng isang buong imbestigasyon na maaaring magresulta sa suspensyon, dismissal, o maging sa pagkakakulong kung mapatunayan ang pagkakasala. Inaasahang aabutin ito ng ilang buwan o taon bago matapos.#

Latest

Political Firestorm Erupts Over Budget Scandal, Calls for Marcos Impeachment Intensify

A political maelstrom is engulfing the Philippines, fueled by...

KliKA: The Gift That Gives Twice – Spreading Joy and Support with a Single Click

In a world saturated with material goods and fleeting...

Magalong nagbitiw sa ICI dahil sa pagdududa sa integridad

Nagbitiw si Baguio City Mayor Benjamin "Benjie" Magalong sa...

Itinalaga ng DTI si Arevalo bilang IPOPHL Acting Director General

Itinalaga ng Department of Trade and Industry (DTI) si...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

National Press Club kinondena ang paninikil sa malayang pamamahayag ng PNVF

Mariing kinondena ng National Press Club (NPC) ng Pilipinas...
spot_imgspot_img

Political Firestorm Erupts Over Budget Scandal, Calls for Marcos Impeachment Intensify

A political maelstrom is engulfing the Philippines, fueled by allegations of a multi-trillion peso corruption scandal within the national budget and growing calls for...

KliKA: The Gift That Gives Twice – Spreading Joy and Support with a Single Click

In a world saturated with material goods and fleeting trends, finding a meaningful gift that truly makes a difference can be a challenge. Enter KliKA,...

Magalong nagbitiw sa ICI dahil sa pagdududa sa integridad

Nagbitiw si Baguio City Mayor Benjamin "Benjie" Magalong sa kanyang puwesto sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong nakaraang linggo, na nagsasabing nais niyang...