Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na ang teknolohiyang blockchain ang susi upang wakasan ang korapsyon sa bansa, at buong suportang sinusuportahan ang panukalang “Blockchain the Budget Bill” sa Senado.
Ipinakita ng survey na isinagawa ng Tangere noong Setyembre 4-5, 2025, na 89% ng mga Pilipino ay may kamalayan sa nasabing panukala. Sa mga ito, umaabot sa 85% ang sumusuporta sa pagpasa nito bilang batas.
Higit sa lahat, 83% ang naniniwalang magiging mabisang sandata ang blockchain laban sa malawakang korapsyon sa gobyerno.
“Ang survey na ito ay nagpapakita ng pagtitiwala at pagkaunawa ng mga Pilipino sa kakayahan ng blockchain na magdala ng transparency at accountability. Ang malakas na suporta para sa Blockchain Budget Bill ay patunay na handa ang ating mga kababayan na tanggapin ang inobasyon upang labanan ang korapsyon at masiguro na nagagamit nang maayos ang bawat piso ng bayan,” pahayag ni Paul Soliman, Co-Founder at CEO ng Bayanichain (BYC), na katuwang sa nasabing pag-aaral.
Hiling ng publiko: real-time na pagsubaybay sa budget
Nang tanungin kung ano ang nais nilang makita kung ilalagay na ang pambansang budget sa blockchain, 6 hanggang 7 sa bawat 10 Filipino ang nagsabing nais nilang makita ang mga sumusunod nang real-time o live:
- Kabuuang Allocation (Total Allocation)
- Aktwal na Nagastos (Actual Expenses)
- Natitirang Pondo (Remaining Budget)
Ito ay nagpapakita ng malakas na hiling ng publiko para sa mas transparent at agarang pagtutuos sa paggamit ng kanilang mga buwis.
Pagtaas ng kamalayan at pagtitiwala
Ang pag-aaral ay nagpapakita ng pagtaas ng kamalayan sa teknolohiya, kung saan 55% ng mga Filipino ay pamilyar na sa blockchain. Sa mga ito, 73% ang nagtitiwala sa seguridad at katapatan ng nasabing teknolohiya.
Detalye ng Survey
Ang non-commissioned survey na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Bayanichain ay may sample size na 1,400 na kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ginamit ang Stratified Random Sampling method at may margin of error na +/- 2.57% sa 95% confidence level.
Ang Bayanichain (BYC) ay isang kumpanyang nagpapagawa ng imprastruktura ng blockchain para sa mga enterprise, gobyerno, at komunidad. Layunin nito na magbigay ng secure, scalable, at transparent na sistema para sa decentralized identity at pagpapalitan ng datos.
Para sa buong detalye ng survey, maaaring i-email ang Tangere sa qual@tangereapp.com.#