Feature Articles:

NHA sinisiguro pagtupad sa pamantayan sa pabahay, mga kawani hinasa ang mga kaalaman

Sumailalim sa Constructors Performance Evaluation System (CPES) training ang 35 kawaning panteknikal ng National Housing Authority (NHA), na binubuo ng mga inhinyero at arkitekto mula sa iba’t ibang regional at district offices, mula Abril 17-19, 2024.

Ang mga lumahok sa tatlong araw na pagsasanay ay pormal nang itatalaga bilang mga kwalipikadong mag-inspeksyon at sumuri sa kalidad ng mga proyekto ng NHA, at pati na rin ang pagmarka sa production performance ng mga katuwang na developer at contractor.

Tinalakay sa unang araw ng pagsasanay sa NHA CPES ang rating system na ginagamitan ng mga pamantayang inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA), alinsunod sa Section 13, Annex E ng Republic Act 9184. Dito rin mas nahasa ang kanilang kaalaman sa mga polisiya ng ahensya ukol sa implementasyon ng CPES sa mga proyekto nito.

Ang ikalawang araw ng naturang pagsasanay ay nakatuon sa pormal na paggamit ng CPES sa pamamagitan ng isang aktwal na inspeksyon at pagsusuri sa kalidad ng isang proyekto ng NHA, ang Mt. Arayat Residences sa Brgy. Telepayong, Arayat, Pampanga. Samantala.

Nagsagawa naman ng qualifying examination at pagkilala para sa mga bagong Constructor’s Performance Evaluators (CPE) noong panghuling araw.

Bilang pagtupad sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ng isang Bagong Pilipinas, ang NHA, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai, ay patuloy sa inisyatibo nitong Building Better More (BBM) housing sa pamamagitan ng mga makabago at mabisang istratehiya, at paggamit ng mga disaster-resilient at environment-friendly na materyales para sa dekalidad na pabahay.

Patunay nito, ang mga bagong CPES evaluators ay handa na para sa kanilang tungkulin na siguraduhin ligtas, komportable, at disenteng pabahay ang ipinagkakaloob ng NHA sa mga pamilyang Pilipino.

Sa Mayo 15-17, 2024, panibagong serye sa pagsasanay ng NHA CPES ang isasagawa.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...