Feature Articles:

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa...

Mayor Vico Sotto, nangunguna sa maagang 2028 Senatorial Survey

Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto Sa pinakabagong resulta...

Bilateral Meeting ni PBBM kay US President Donald Trump

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging bunga...

3,000 Pamilya nakinabang sa NHA People’s Caravan sa Baraas, Rizal

Mahigit kumulang 3,000 pamilya ang nakinabang sa People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-Asa ng National Housing Authority (NHA) na ginanap sa Southville 9 Brgy. Pinugay, Baras, Rizal noong Abril 25, 2024.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NHA Assistant General Manager (AGM) Alvin S. Feliciano kasama sina Region IV Manager Roderick T. Ibañez, Rizal District Officer-in-Charge Carmencita Concepcion V. Calpo, Rizal 2nd District Board Member Hector Robles at Baras, Rizal Municipal Vice Mayor Kathrine Robles ang caravan na nilahukan ng 24 ahensya ng gobyerno.

Ang People’s Caravan ay inilunsad ng NHA upang mas epektibong mailapit ang iba’t ibang serbisyo publiko ng gobyerno tulad ng medikal, scholarship, trabaho, murang bilihin ng produktong agrikultural, gabay sa usaping batas, at iba pa para sa lahat ng pamilyang naninirahan sa mga pabahay ng ahensya. Ito ay alinsunod sa pangako ng NHA sa pagtataguyod ng maunlad at progresibong komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Nagsagawa ng libreng medical at dental mission, mobile x-ray, at namigay ng libreng gamot ang Department of Health (DOH) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa benepisyaryong nangangailangan ng medical na atensyon.

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 400 na kwalipikadong benepisyaro sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Habang business capital assistance hanggang P5,000-P200,000 ang serbisyo ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa napili nilang micro entrepreneurs ng Southville 9.

Libreng skills training demonstration at scholarship programs ang ginawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga residenteng gustong mapalago ang kanilang kabuhayan. Kasabay din ang free trainings on livelihood ng Department of Agriculture (DA) at Department of Science and Technology (DOST).

Para sa mga residenteng layong magkaroon ng registration, certificate o membership number, nagsagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng national ID registration, issuance ng ePhilID, application para sa birth, marriage, CENOMAR at death certificate. Habang registration/membership application at verification ang ginawa ng Philhealth at Social Security System (SSS). Ang Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng National Police Clearance services.

Student permit processing and assistance and dalang serbisyo ng Land Transportation Office (LTO).

Nagtayo rin ng booth ang Public Attorney’s Office (PAO) para sa mga nangangailangan ng libreng legal consultation at notary services.

Samantala, onsite internet services ang pinaabot ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Siniguro naman ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad ng programa at lugar. Nagpaabot ng logistical assistance ang munisipalidad ng Baras, Rizal para sa caravan.

Para mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo sa mga programa ng ibang ahensya, nagsagawa ng information dissemination ang SSS, Department of Labor and Employment (DOLE), PAG-IBIG, National Irrigation Authority (NIA) at National Nutrition Council (NNC).

Ito ang kauna-unahang NHA People’s Caravan sa lungsod ng Rizal at sa taong 2024. Nagsimula ito noong Setyembre 15, 2023 sa Villa de Adelaida Housing Project sa Brgy. Halang, Naic, Cavite at sinundan sa Pandi, Bulacan at Zamboanga City, Zamboanga.

Bukod pa rito, ang NHA Region IV MIMAROPA District Office ay namahagi rin ng Php 17.100 milyon na halaga ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa 3,047 pamilyang biktima ng kalamidad sa rehiyon noong Abril 23-24, 2024. Kabilang sa mga benepisyaryo ang 2,674 na pamilyang nasalanta ng Bagyong Odette habang ang natitirang 373 ay naapektuhan ng iba’t ibang insidente ng sunog sa Palawan.#

Latest

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa...

Mayor Vico Sotto, nangunguna sa maagang 2028 Senatorial Survey

Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto Sa pinakabagong resulta...

Bilateral Meeting ni PBBM kay US President Donald Trump

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging bunga...

DOST pushes for Central Tech Hub to boost innovation and public access to research

Manila, Philippines — In a move to strengthen technology...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

DOST Reinforces Guidelines on Innovation and Technology Transfer

The Department of Science and Technology (DOST) is strengthening...
spot_imgspot_img

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa Konstitusyon ang isinampang Articles of Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte, dahil sa...

Mayor Vico Sotto, nangunguna sa maagang 2028 Senatorial Survey

Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto Sa pinakabagong resulta ng 2028 Pre-Election Senatorial Preferential Survey na isinagawa ng Tangere, nangunguna si Pasig City Mayor...

Bilateral Meeting ni PBBM kay US President Donald Trump

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging bunga ng kanyang bilateral na pagpupulong kay US President Donald Trump sa White House, kabilang ang...