Feature Articles:

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against...

NHA lulutasin ang mga isyu sa pabahay sa Bulacan

Alinsunod sa direktiba ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai na agarang tugunan ang mga hinaing ng mga benepisyaryo ng pabahay sa Bulacan, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang pagbisita’t pag-inspeksyon sa mga resettlement sites sa probinsya kamakailan lang.

Ang kautusan ay bunga ng hangarin ni NHA GM Tai na siguraduhing magkaroon ng magandang pamumuhay at asensadong komunidad ang libo-libong pamilyang benepisyaryo ng ahensya.

Isa rin itong daan upang malaman ang katayuan ng mga proyektong pabahay at higit sa lahat, ang kalagayan ng mga pamilyang nakatira dito nang sa ganun ay mabigyan ng agarang aksyon ang mga isyung nangangailangan ng kasagutan.

Isa-isang inikutan ni NHA AGM Feliciano, kasama si Bulacan District Manager Fatima dela Cruz na kumatawan kay Regional Manager Minerva Y. Calantuan, ang mga proyektong pabahay ng NHA sa Pandi, Bulacan na Logia ng Kakarong Resettlement Project, na nasa Brgy. Real De Cacarong; Bulacan-Angat Heights 2 Resettlement Project, Brgy. Cacarong Matanda; Villa Lois AFP/PNP Housing Project, Brgy. Siling Bata; Pandi Heights BJMP/BFP, Brgy. Cacarong Matanda; Padre Pio Resettlement Project, Brgy. Cacarong Bata; Pandi Residences 1, 2 at 3 Resettlement Projects, Brgy. Bagong Barrio at Brgy. Mapulang Lupa; Villa Elise Resettlement Project, Brgy. Masuso; Pandi Village 1 at 2 Resettlement Projects sa Brgy. Siling Bata at Brgy. Mapulang Lupa; Pandi Encamp One, Brgy. Mapulang Lupa; at Pandi Village 2 (Expansion Area) Resettlement Project, Brgy. Mapulang Lupa.

Bago ito, nauna nang bisitahin ni NHA AGM noong nakaraan ang 10 resettlement sites sa Lungsod ng San Jose del Monte. Kinabibilangan ito ng Pleasant View Residences, Graceville Garden Village, Heroes Ville 1, Heroes Ville 3, Towerville Phase 6, Pabahay 2000, San Jose del Monte Heights, St. Joseph Ville, Towerville Phase 1-5 & Rising City at Sapang Palay.

Sa gabay ni NHA GM Tai, ang Office of the AGM katuwang ang Bulacan District Office ay kasalukuyang inaaksyonan na ang mga isyu ng tubig, kuryente, pagkansela ng award at amortisasyon ng mga benepisyaryo sa nasabing mga lugar.#

Latest

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against...

Tatlong kandidato nagtabla sa unang pwesto sa pinakabagong Tangere 2025 Senatorial Preferential Survey

Nagkaroon ng tatlong-kandidatong statistical tie para sa unang pwesto...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...
spot_imgspot_img

Tsina nagbabala sa epekto ng U.S. Tariff

Pagkakaisa ng ASEAN at Pagpapalawak ng Trade sa Rehiyon “Hindi lang ito basta mga numero — ito ay kabuhayan ng mga tao,” ani Chinese Ambassadir...

Newcomers Make Strong Showing in Latest Tangere Party-List Survey Ahead of 2025 Elections

Several new party-lists are gaining ground ahead of the 2025 midterm elections, according to the latest preferential survey released by Tangere, an award-winning research...

Scheme of Fear and Lies: Rillo, Falcis, Orate Named in Witness Account

In a surprising twist to the vote-buying allegations against former Quezon City 4th District Representative Bong Suntay, a key witness has now accused individuals...