Lumahok kahapon ang mahigit 1,800 bicolano sa National Housing Authority (NHA) People’s Caravan: “Serbisyong Dala ay Pag-asa” na ginanap sa Don Alfonso Bichara Community Complex, Brgy. Anislag, Daraga, Albay.
Sa pangunguna ni NHA General Manager Joeben Tai, layunin ng caravan na mailapit ang iba’t ibang komprehensibong serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga pamilyang benepisyaryo ng mga pabahay ng Ahensya at mga kalapit na komunidad.
Bilang kinatawan ni NHA GM Tai, pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, ang pagpapasinaya ng nasabing aktibidad, kasama si NHA Region V Officer-in-Charge Engr. Rolando G. Ramos, NHA Albay/ Catanduanes District Manager Engr. Teodora G. Bandojo, Chief of Staff Joseph Yap bilang kinatawan ni 2nd District ng Albay Congressman Joey S. Salceda, Albay Governor Edcel Greco A.B. Lagman at Daraga Acting Mayor Gerry Raphael Z. Jaucian, Jr.
“Ito po ay ginagawa ng NHA, sa liderato ni GM Tai, upang ilapit talaga yung serbisyo ng gobyerno sa tao. Dahil bukod sa pabahay, gusto namin mabigyan sila ng bagong buhay,” ani NHA AGM Feliciano.
Ang mga benepisyaryo ay nakinabang sa Department of Health (DOH)/Bicol Center for Health Development, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Population and Development (CPD), Daraga Municipal Health Office, at Albay Provincial Health Office para sa libreng medical/dental missions, chest x-ray, eye check-up, deworming activity, libreng gupit, at mga gamot; at orientation on responsible parenthood and family planning.
Nabigyan din ng bagong oportunidad ang mga naghahanap ng trabaho sa isinagawang job fair at livelihood programs and services orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE), Daraga Public Employment Service Office (PESO), at Department of Migrant Workers (DMW). Habang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagsagawa naman ng pagsasanay sa mga programa at serbisyong-handog para sa mga OFW.
Ang naturang aktibidad ay nagpaabot rin ng iba’t ibang programang pangkabuhayan, leksyon sa iba’t ibang kasanayan at pagsasanay sa pagnenegosyo, at entrepreneurship training, business and capital consultancy, at iba pang programang pang-edukasyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare. and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST), Cooperative Development Authority (CDA), at Commission on Higher Education (CHEd).
Nabigyan rin pagkakataon ang mga benepisyaryong makapagsumite ng aplikasyon para sa National ID at iba pang civil registry service tulad ng Birth Certificate, Death Certificate, Certificate of No Marriage Record (CENOMAR), Marriage Certificate at PSA Serbilis Application sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Daraga Municipal Civil Registry Office; membership registration at Loyalty Card issuance ng Pag-IBIG Fund; membership at issuance ng PhilHealth ID; pagproseso ng police at NBI clearance mula sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation; gayundin ang aplikasyon at pag-renew ng lisensya sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO).
Nakapagbenta rin ng mga abot-kayang farm-to-market products sa caravan ang Department of Agriculture (DA) KADIWA kasabay ng pamamahagi ng mga libreng binhi at punla kasama ang Albay Provincial Agriculture Office.
Binigyan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang aktibidad ng libreng onsite internet at wi-fi, habang ang Public Attorney’s Office (PAO) ay nagsagawa ng libreng legal consultation at notary services.
Mula ng inilunsad noong 2023, naging matagumpay ang pagpapatupad ng NHA People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-asa sa buong bansa. Sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa parehong pampubliko at pribadong sektor, nakapagsagawa ang caravan ng mga makabuluhang hakbanging upang mapanatili ang kaunlaran ng mga komunidad alinsunod sa mga hangarin para sa Bagong Pilipinas.#