Feature Articles:

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...

USPTO recognizes IPOPHL’s growing influence in Asia Pacific

The United States Patent and Trademark Office (USPTO) has...

Grupo ng Maralita, Kababaihan tutol sa lipat-pondo ng PhilHealth

Naglabas ng hinanaing ang grupo ng mga maralita at mga kababaihan laban sa pagkuha ng Department of Finance (DOF) sa PhP 90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na orihinal na nakalaan para sa premium o benepisyong pangkalusugan ng mga indirect contributors kung saan kabilang ang mga nabanggit na grupo, Hulyo 31.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging mainit na usapin ang lantarang pagbawi ng gobyerno sa naturang pondo ng PhilHealth upang ilaan sa Unprogrammed Appropriations ng pambansang badyet, alinsunod sa Circular No. 003-2024 ng DOF. Hakbang na ayon sa mga organisasyon ay lantarang nagsasawalang-bahala sa mandato ng Universal Health Care (UHC) Law at sa tunay na kalagayang pangkalusugan ng mamamayang Pilipino.

Sa Senate hearing na isinagawa noong Hulyo 30, isang araw bago ang press conference na inorganisa ng Social Watch Philippines at pinangunahan ng mga grupo mula sa iba’t ibang sektor, iginiit ni DOF Secretary Ralph Recto na natutulog na pondo umano ang binabawi mula sa PhilHealth. Dagdag pa ni Recto, “labis-labis at kasyang-kasya ito (pondo ng PhilHealth) sa mga bayarin para sa multi-year claims.” Samantala, salungat ang mga pahayag ni Recto sa pahayag ng mga kinatawan ng grupo ng maralita sa lungsod at kababaihan.

Patunay nito, idinaing ni Boyet Sacaguing, mula sa grupong KULAY, na kinatawan ng mga maralita sa lungsod, na nakalulungkot ang estado ng mga mahihirap pagdating sa usaping pangkalusugan. Panay pagtitiis at panlilimos aniya ang inaabot nila lalo’t may malubhang karamdaman.

“Madalas sinasabi na pagtitiis, pagmamakaawa, [at] pangungutang ang estado ng kalusugan para sa mga Pilipino. Bakit po pagtitiis, kasi nagtitiis na lang po kami na hindi magpacheck up dahil alam po namin na ‘pag pumunta po kami sa ospital, kailangan din po namin na magbayad…hahayaan na lang po namin na ang sakit namin ay lumala at hanggang sa mawalan na lang kami ng buhay na hindi man lamang namin nakikita ang doktor. Kayo, na naririyan sa poder ng gobyerno, hindi po ninyo nararanasan kung anong nararanasan ng mga mahihirap.” ani Sacaguing.

Dagdag pa ni Sacaguing, hindi umano sapat ang ibinibigay na benepisyo ng PhilHealth kahit na sa mga direct contributors o mga manggagawa sa pormal na sektor kung saan kinakaltas sa kanilang buwanang sahod ang kanilang kontribusyon. Kung tutuusin, malaki pa rin ang aniya’y kinakailangang bayaran lalo na kung in-patient o na-confine sa ospital. Patunay dito, ayon sa Philippine National Health Accounts na iniulat ng Philippine Statistics Authority, 45% o halos kalahati ng kabuuang gastos sa kalusugan ng mga pamilyang Pilipino ay galing sa kanilang bulsa.

“Ako po… nagagamit ko lang po ang PhilHealth ‘pag ako [ay] nako-confine… Pero hindi ka pa rin masi-zero balance, may natitira pa rin pong dudukutin mo sa bulsa mo, mayroon ka pa ring babayaran,” ani Sacaguing.

Sang-ayon dito ang kinatawan ng sektor ng mga kababaihan, at mula rin sa maralitang lungsod, na si Serenity Saluib, isang Community Health Promoter ng Likhaan Center for Women’s Health.

Kuwento ni Saluib, inaasahan niya umano na bilang miyembro ng PhilHealth, makatutulong ang benepisyo nito sa pagbawas sa gastusin niya sa panganganak dahil saklaw nito ang mga gastusin sa mga ospital at sa mga accredited birthing clinics. Sa ngayon, nangangamba si Saluib na maapektuhan ng lantarang pangunguha ng DOF sa pondo ng PhilHealth ang benepisyong gaya nito para sa mga indirect contributors na kagaya niya.

“Kung kukunin niyo itong pondo ng PhilHealth, ninanakaw niyo ito sa amin [at] sa aming pangangailangang pangkalusugan. Bilang isang buntis, magagamit ko ang PhilHealth sa aking panganganak. Bagama’t may benepisyo mula sa PhilHealth, may gagastusin pa rin ako [mula] sa sarili kong bulsa.” daing ni Saluib.

Samantala, patuloy ang panawagan ng iba’t ibang organisasyon na kumakatawan sa mga miyembro ng PhilHealth – mga pasyente, may kapansanan (persons with disabilities), mga kababaihan, maralitang lungsod (urban poor), mga manggagawa, at nakatatanda na agarang itigil ang paglipat ng pondo ng PhilHealth at gayundin ay ibalik ang nauna nang binawing PhP 20 bilyong pondo mula sa institusyon.#

Latest

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...

USPTO recognizes IPOPHL’s growing influence in Asia Pacific

The United States Patent and Trademark Office (USPTO) has...

IPOPHL secures ISO certification for 12 straight years

The Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) has...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a spotlight on the country’s increased enforcement against counterfeit goods and its strategic collaborative work to...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification for Responsible Gaming ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang sumali sa isang piling grupo...

USPTO recognizes IPOPHL’s growing influence in Asia Pacific

The United States Patent and Trademark Office (USPTO) has commended the Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) for its growing influence in the...