Feature Articles:

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

‘Automated mango sorting machine’ pinabilis ang pagpili ng mangga

Isang makinang tutulong sa pagbubukod ng mga mangga ang bagong inobasyon ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech). Layon nitong mapa-igi ang pagpo-proseso ng mga mangga at mapaganda ang kalidad ng mga produkto ng sakahan. Ito ay ang PhilMech automated mango sorting machine na gumagamit ng isang ‘computer vision system’ sa pagbubukod ng mga prutas.

Gamit ang mga camera na nakakabit sa isang kompyuter, kaya nitong kusang piliin kung alin sa isang tumpok ng mga manga ang may sira at ibubukod ito base sa bigat at laki kapag pinadaan ang mga mangga sa makina. Dahil dito, mababawasan ang taong magbubukod ng mangga na mula sa 20, dalawang tao na lamang ang kailangan.

Base sa mga naunang pagsusubok, nakapagtala ang sorting machine ng 94.44% ‘accuracy’ at ‘precision.’ Pasado ito sa mga pandaigdigang pamantayan. Kaya rin nitong magbukod ng aabot sa 720 hanggang 800 na mangga kada oras.

Inaasahan ng PhilMech na mabebenta ang sorting machine sa abot-kayang halaga para sa mga magsasaka. Kung ihahambing sa ibang sorting machine sa merkado na nagkakahalaga ng hanggang 1 milyong piso, ang PhilMech automated mango sorting machine ay tinatayang magkakahalaga lamang ng humigit-kumulang sa P168,000 bawa’t isa.

Sa usaping pagkawala ng trabaho ng mga nagbubukod ng mangga, ipinaliwanag ni Engr. Arlene Joaquin, ang nanguna sa paglikha ng nasabing inobasyon, na maituturing na oportunidad ito sa halip na banta o pagkabahala. Ayon kay Engr. Joaquin, isa sa mga problema ngayon ng industriya ang kakulangan ng manggagawa lalo na sa panahon ng anihan.

“Ito ay isang solusyon ng industriya sa kakulangan ng manggagawa kapag nagsa-sabay sabay ang pag-ani. And, [the PhilMech automated mango sorting machine] is a very good intervention kasi kumukuha pa po sila ng mga laborers sa neighboring towns,” ayon kay Engr. Joaquin.

Patuloy namang lilinangin ng grupo ni Engr. Joaquin ang automated mango sorting machine upang mas mai-angkop ito ayon sa pandaigdigang pamantayan at para magamit din sa iba pang mga produktong pang-agrikultura. “Next year, naka-programa itong subukan sa export of mangoes. So, exporters po ang titingin nito base sa actual capacity and also for other circular vegetables,” ani ni Engr. Joaquin. (Karl Vincent S. Mendez, DOST-PCAARRD S&T Media Services)

Latest

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si...
spot_imgspot_img

6 to 7 out of 10 Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution

A recent survey conducted by Tangere has revealed that 62.9% Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution, a...

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments, in-app marketing and exclusive campaigns during the year-end travel peak The number of travelers using their...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in Tondo, Manila, the Philippines Smoke-Free Movement (PSFM) is calling on Manila City Mayor Dr. Honey...