Feature Articles:

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

Buong Pahayag Ukol sa Resolusyon na i-diskwalipika ang Smartmatic mula sa COMELEC Procurement

Ang Komisyon sa Halalan (COMELEC) ay nagsagawa ng isang makabuluhang hakbang upang mapangalagaan ang integridad at kredibilidad ng prosesong elektoral ng Pilipinas. Sa inilabas na En Banc Resolusyon ngayong araw, napagdesisyunan ng COMELEC na i-diskwalipika ang Smartmatic sa paglahok sa proseso ng procurement ng Automated Election System (AES) para sa paparating na 2025 at mga susunod pang National and Local Elections (NLE).

Ang desisyon na i-diskwalipika ang Smartmatic ay nakamit matapos ang masusing deliberasyon. Limang (5) komisyoner ang sumang-ayon sa resolusyon, isang (1) komisyoner ang nasa official business at hindi nakibahagi, at isang (1) komisyoner ang tumutol. Ang Resolusyon na ito ay nagmula sa pangagailangan na tugunan ang mga concern na ibinahagi ng iba’t-ibang election stakeholders tungkol sa transparency, reliability, at integridad ng proseso ng halalan. Kinikilala ng COMELEC ang mga pangamba ng publiko ukol sa papel ng Smartmatic sa nakaraang halalan at binibigyang diin nito ang patuloy na pagtataguyod sa pinakamataas na pamantayan ng integridad ng halalan.

Ang iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng Smartmatic, mula rito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, ang siyang naging batayan ng COMELEC upang magsagawa ng isang mas proactive na hakbang at i-diskwalipika ang Smartmatic mula sa procurement process. Ang awtoridad na ito ay nakasaad sa Konstitusyonal na mandato ng COMELEC na tiyakin ang isang malaya, maayos, tapat, mapayapa, at maaasahang pagsasagawa ng halalan. Ito ay mula sa Artikulo IX-C, Seksyon 2, talata 1 at 3 ng Saligang Batas:

SEK. 2. Dapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ang Komisyon sa Halalan:

  1. Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat ng mga batas at regulasyon na kaugnay ng pagdaraos ng halalan, plebisito, initiative, reperendum, at recall.

                                                                  x x x
  2. Magpasya, matangi roon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalalagyan ng mga botohan, paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehistro ng mga botante.

                                                                  x x x

Sa isipan ng COMELEC, ito ay isang malawak na pagkakaloob ng kapangyarihan. Kabilang dito ang mga kapangyarihang necessary at incidental sa pagpapatupad ng mandato, bukod sa mga malinaw at hayagang kapangyarihan na ipinagkaloob nito. Gaya ng paliwanag ng Korte Suprema sa Pangandaman v. Commission on Elections1 ang mga konstitusyonal na probisyon ay dapat isalin upang “bigyan ang COMELEC ng lahat ng necessary at incidental na kapangyarihan para maabot ang layunin na magkaroon ng malaya, maayos, tapat, mapayapa, at maaasahang halalan.”2

Sa paggamit ng mga kamangha-manghang kapangyarihan na ito, ang COMELEC ay kailangan lamang sumunod sa mga limitasyong nakasaad sa Konstitusyon at mga batas. Bagkus, ang aktwal na paggamit ng mga kapangyarihang ito ay kinakailangang basahin kasabay ng, at hindi ihiwalay sa, Saligang Batas at mga batas kung saan nagmumula ang kapangyarihan nito.3

Gayunpaman, ang ating mga batas tungkol sa halalan, kahit gaano pa karami at kabusisi, ay hindi makikita o mahuhulaan ang lahat ng problema na kakaharapin ng COMELEC. Pagkatapos ng lahat, ang pamamahala ng halalan ay isang napakalaking gawain. Sa mga pagkakataon kung saan ang Saligang Batas at ang mga batas ay tahimik ukol sa mga bagay na maaapektuhan ang proseso ng halalan, ang COMELEC ay ipinapalagay na may taglay na residual powers upang maisagawa ang konstitusyonal na mandato nito.

Ang mga malinaw at implied na kapangyarihan na ito ay “tinitiyak na ang COMELEC ay armado para sa maayos na pagpapatupad ng mga batas tungkol sa halalan at mapunan ang mga agwat sa sitwasyon na wala sa batas o hindi napagtanto ng mga mambabatas.”4 Gaya ng naobserbahan ng Korte Suprema sa Loong v. Commission on Elections:5

Our elections are not conducted under laboratory conditions. x x x Too often, COMELEC has to make snap judgments to meet unforeseen circumstances that threaten to subvert the will of our voters. In the process, the actions of COMELEC may not be impeccable, indeed, may even be debatable. We cannot, however, engage in a swivel chair criticism of these actions often taken under very difficult circumstances. (Emphasis supplied)

Kinikilala rin ng sariling Rules ng COMELEC ang mga realidad na ito. Bagkus, sa ilalim ng Rule II < Section 4 ng COMELEC Rules of Procedure, ang COMELEC ay awtorisado na maglabas ng auxiliary writs at mga proseso at maglagay ng kahit anong angkop na proceeding, kahit hindi nakasaad sa batas o ng mga patakaran. Ang tanging limitasyon lamang ay dapat ito ay kinakailangan sa pagsasagawa ng mandata ng COMELEC para sa isang malaya, maayos, tapat, mapayapa, at maaasahang halalan:

Rule II, Section 4. Means to Effect Jurisdiction. – All auxiliary writs, processes and other means necessary to carry into effect its powers or jurisdiction may be employed by the Commission; and if the procedure to be followed in the exercise of such power or jurisdiction is not specifically provided for by law or these rules, any suitable process or proceeding may be adopted.

Sa Resolusyon na inilabas ngayon, inihayag ng COMELEC na ito ay nakatanggap ng mga request para sa pakikipagtulungan hinggil sa patuloy na imbestigasyon laban kay dating COMELEC Chairperson Juan Andres D. Bautista kaugnay ng paglabag nito sa batas kriminal ng Estados Unidos (U.S.). Ang request na ito ay natanggap mula sa Kagawara ng Katarungan ng Pilipinas. Partikular dito ay ang umano’y alegasyon ng United States Justice Department na sinuhulan ng Smartmatic si dating Chairperson Bautista para mahuka ang procurement contract para sa Automated Election System noong 2016 NLE.

Ang Resolusyon ng COMELEC ay isang pagtanggap na ang adminsitrasyon ng halalan ay nagmumula sa pangangawisa hindi lamang ng legal, administratibo, at logistical na aspeto nito. Ang pananaw ng mga tao, kung saan nagmumula ang lahat ng sovereign powers ng Estado, ay may pantay na kahalagahan. Kabilang sa Saligang Batas ang kredibilidad bilang isa sa mga mahahalagang pamantayan kung saan masusukat ang tagumpay ng isang halalan at ang pangangasiwa ng COMELEC.

Ang salitang “credible” sa ordinary nitong kahulugan ay “offering reasonable grounds for being believed or trustred,”6 or “able to be believed or trusted.”7 Bagkus, hindi sapat na ang mga halalan ay matagumpay lamang na naisagawa, kailangan na ang mismong proseso ay makitang lehitimo ng publiko. Sa madali’t sabi, ang proseso ng halalan ay hindi lang dapat malaya mula sa korapsyon at kasinungalingan, ito ay kailangang makita at madama ng mga botante. Anumang katiting na pangangamba sa patas at integridad ng halalan ay maaaring ilagay ang buong pundasyon ng ating demokrasya sa panganib.

Sa ganitong pagkakataon, ang agarang pangangailangan ng kredibilidad sa halalan ang nagbigay sa COMELEC ng karampatang kapangyarihan para idiskwalipika ang Smartmatic mula sa procurement process habang patuloy ang imbestigasyon laban dito. Ang desisyon na ito ay nararapat lamang dahil ang isang entity na may kinakaharap na matinding kaso ng korapsyon ay kailangan munang malampasan ang mga ibinabatong alegasyon sa reputasyon nito bago payagan makilahok sa kahit anong proseso ng ating halalan.

Sa pamamagitan ng Resolusyon na ito, napigilan ng COMELEC ang sitwasyon kung saan ang AES contract ay maigagawad pabor sa Smartmatic at matapos nito ay napag-alamang kasabwat sa suhol at korapsyon. Ang desisyong inilabas ngayong araw ay isang precautionary at preservative measure para sa pagprotekta ng sanctity ng proseso ng halalan at ng tiwala ng publiko.

Sa Resolusyong ito, kinilala ng COMELEC na kahit walang malinaw na pagbanggit sa batas o mga patakaran, ang COMELEC ay maaaring maglagay ng preservative measure. Ang COMELEC ay malayang pumili ng mga pamamaraan kung paano maisasagawa ang layunin niyo na pangalagaan ang ating halalan. Gaya ng paliwanag ng Korte Suprema sa kaso ng Sumulong v. Commission on Elections:8

The Commission on Elections is a constitutional body. It is Intended to play a distinct and important part in our scheme of government. In the discharge of its functions, it should not be hampered with restrictions that would be fully warranted in the case of a less responsible organization. The Commission may err, so may this court also. It should be allowed considerable latitude in devising means and methods that will insure the accomplishment of the great objective for which it was created -free, orderly and honest elections. We may not agree fully with its choice of means, but unless these are clearly illegal or constitute gross abuse of discretion, this court should not interfere. Politics is a practical matter, and political questions must be dealt with realistically – not from the standpoint of pure theory. The Commission on Elections, because of its fact-finding facilities, its contacts with political strategists, and its knowledge derived from actual experience in dealing with political controversies, is in a peculiarly advantageous position to decide complex political questions.
x x x
There are no ready-made formulas for solving public problems. Time and experience are necessary to evolve patterns that will serve the ends of good government. In the matter of the administration of the laws relative to the conduct of elections, as well as in the appointment of election inspectors, we must not by any excessive take away from the Commission on Elections the initiative belongs to it. Due regard to the independent character of the Commission, as ordained in the Constitution, requires that the power of this court to review the acts of that body should, as a general proposition, be used sparingly but firmly in appropriate cases.

Ang COMELEC ay hindi nagtatrabaho sa loob ng isang vacuum. Pinapahalagahan nito ang opinyon ng publiko. Ang independence ay hindi nangangahulugan na ito ay dapat bulag at bingi. Kinakailangang pakinggan at isipin ng COMELEC ang mga sentimyento ng mga tao.

Dahil sa rasong ito, ayon sa direksyon ng COMELEC para sa key electoral reforms, at binibigyang konsiderasyon ang pananaw ng publiko at ang tamang pamamahala sa pampublikong pondo, ito na ang panahon upang magbigay daan sa iba pang AES providers bukod sa Smartmatic.

Ang ating halalan ang cornerstone ng ating demokrasya. Demokrasya ang kalooban ng mga tao. Para maisalamin ang kalooban ng mga tao, ang COMELEC ay may tungkulin na tiyakin ang pagkakaroon ng malaya, maayos, tapat, mapayapa, maaasahan, at maalam na halalan. Sa pagkakataon na pinagkatiwalaan ng mga tao ang pagsasagawa ng halalan ay tsaka pa lamang nila pagkakatiwalaan ang resulta. Pagkakatiwalaan lamang nila nag resulta ng halalan kapag sila ay naniniwala sa COMELEC at sa sistemang ginamit nila. Sa madali’t-sabi, ang katotohanan at ang pananaw nito ay kailangang tugma at pareho, na walang anumang pagdududa sa resulta ng halalan bilang pagsasalamin sa kalooban ng mga tao. Sa pagkakataon lamang na iyon mapapatotohanan ng COMELEC ang nasa Hymno nila: “Pag-Asa ng Bayan.”

Ang COMELEC, bilang tagapag-alaga ng demokrasya, ay kailangang transparent at accountable sa publiko bilang mga election stakeholders. Ang accountability ay lagpas sa pag-aayos ng performance at pagtama ng mga mali. Sakop nila ang pagtugon ng mga lehitimong concern ng publiko, lalo na kung ito ay tungkol sa independence at reliability ng election system provider.

Kahit na ang mga nakaraang isyu sa vote-counting machines, hardware, at software ng Smartmatic ay hindi nakaapekto sa accuracy ng resulta ng halalan na napatunayan ng election watchdogs, ang mga alegasyon na nakakaapekto sa independence rnismo ng COMELEC at ang mga pagdududa sa fairness ng procurement process nila ay nagtala ng concern mula sa publiko at mga pagdududa tungkol sa integridad ng ating halalan. Sa ngayon ay mayroong umuusbong na public demand para sa mahahalagang electoral reforms. Ang mga concerns na ito ang nagpapakita na ang serbisyo ng Smartmatic ay maaaring hindi na angkop sa pangangailangan ng election stakeholders at ng mga Pilipino. Ang COMELEC ay kailangang i-assess ng mabuti at i-improve ang kasalukuyang AES at mga proseso ng halalan, upang masiguro na ito ay tugma sa ekspektasyon ng publiko ukol sa transparency, fairness, at accuracy.

Bilang huling punto, ang Resolusyon na inilabas ngayon ay consistent sa commitment ng COMELEC sa transparency. Ang makabuluhang pampublikong pondo ay nagamit at nagastos sa pagsasagawa ng halalan, at maaaring tumaas habang ang COMELEC ay nagsisiyasat ng mga plano umang gawing automated din ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ang COMELEC ay kailangang i-manage nang maayos ang paggamit ng pampublikong pondo. Kaya naman, bilang end-user ng AES machines at gabay ng pinakamataas na panuntunan ng integrity, honesty, accountability, impartiality, at transparency, napagdesisyunan ng COMELEC na tanggalin ang Smartmatic mula sa bidding process para sa automated elections, para makuhang muli ng buo ang tiwala ng publiko bilang stakeholders ng electoral system.

Ang demokrasya ay hindi lamang pagsunod, kundi lagpas pa rito; ito ay tungkol sa pangangalaga ng esensya ng participatory governance. Ang Resolusyon ng COMELEC sa EM No. 23-003 ay nagpapatunay ng walang pagaalinlangan niyo sa commitment na siguraduhing ang bawat boto ay kasama sa bilang at ang patuloy na kamalayan nito sa tiwala, integridad, at sa kalooban ng mga tao ay mananatiling pillars ng ating democratic process. #

1G.R. No. 134340, 25 November 1999.
2Emphasis supplied.
3Aquino v. Commission on Elections, G.R. No. 211789,17 March 2015.
4Id.
5G.R. No. 133676, 14 April 1999.
6https://www.merriam-webster.com/dictionary/credible.
7https://diclionary.cambridge.org/us/dictionary/english/credible.
8G.R. no. L-48609, 10 October 1941.

Latest

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments,...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in...

2025 PhilHealth budget will do nothing for the country’s top health problems

Joint Statement of Medical Action Group and Action for...

Senador Chiz Escudero nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno -Tangere Survey

Nananatiling pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng bansa si...
spot_imgspot_img

6 to 7 out of 10 Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution

A recent survey conducted by Tangere has revealed that 62.9% Filipinos support the proposed Constitutional Amendment on Economic Reforms of the 1987 Constitution, a...

Alipay+ grows its payment partner ecosystem to 35

...connecting merchants to more travelers seamlessly through mobile payments, in-app marketing and exclusive campaigns during the year-end travel peak The number of travelers using their...

Health Groups Urge Manila to Act Against Smoking and Vaping Amid Tondo TB Crisis

In light of the alarming tuberculosis (TB) crisis in Tondo, Manila, the Philippines Smoke-Free Movement (PSFM) is calling on Manila City Mayor Dr. Honey...