Feature Articles:

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST...

Sinusuportahan ng 2 lider ng bansa ang World Pandesal Day bilang pagdiriwang ng Filipino Heritage at paglaban sa gutom

Nagpahayag ng suporta sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,...

PAGSUSURI NG 1964 TRAFFIC CODE NAPAPANAHON NA AYON SA INDUSTRIYA NG TRANSPORTASYON

Nagpahayag ng pagkabahala sa dumaraming pagkamatay na may kaugnayan sa pagbangga sa kalsada sa bansa ang dating Region 9 Director ng Land Transportation Office na si Aminola “Alex” Abaton at kasalukuyang Executive Director ng Partnership for Enhanced Road Safety (PERS). Aniya ang patuloy na interbensyon sa edukasyon, pagpapatupad at mga estratehiya na kailangan upang matugunan ang nakababahala nang isyu.

Iminungkahi ni Atty. Abaton ang pagrerepaso at pagsasapanahon ng Republic Act 4136 o kilala bilang Land Transportation and Traffic Code of 1964 para sa kaligtasan sa kalsada, kaligtasan ng mga motorista, riding public, at pedestrian. Ang paglikha umano ng isang pambansang sistema ng pagkolekta ng data ng mga pagbangga sa kalsada at practical guide modules sa pag-iwas sa pinsala sa trapiko sa kalsada ng bata ay kailangan na.

Sumuporta naman ang Magnificient-7 na binubuo ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), the United Association of Drivers and Operators Nationwide (Piston), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), at Federation ng Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Stop and Go, at League of Transportation and Operators of the Philippines (LTOP) sa press conference na isinagawa ng PERS.

Ang taxi na nabangga ng Universal Guiding Star bus na naging sanhi ng pagkamatay ni Prof. Lourdes “Chit” Panganiban Estella-Simbulan noong May 13, 2011

Samantala, ayon sa datos na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS) nitong 2021, na nasa 58, 447 ang aksidente sa kalsada ang nagaganap o nasa 162 kada araw.

Mula sa nabanggit na bilang, 337 ang patay; 15,256 ang non-fatal; 42,812 ang nasira ang ari-arian at 14,870 ang disgrasya sa motor. Ang Lungsod ng Quezon ang pinakamalaking bilang ng mga aksidenteng nauugnay sa pedestrian.

Ipinakita rin sa nasabing press conference ang tatlong pinakasanhi ng aksidente: nawalan ng kontrol (81), pagkakamali ng tao (6,909), insidente at walang aksidenteng kadahilanan (51,345).

Kumpara noong 2019, mas mababa ang Road Crash Incidents (121,771) at pagkamatay (372) noong 2021 ayon sa MMRAS 2019 Report. Kapansin-pansin na bumaba ang bilang noong 2020 ang Road Crash Incidents (14,465) at pagkamatay (337)dahil sa ipinatupad na lockdowns sa buong bansa.

Nangako naman ang MMDA sa pamamagitan ni Col. Edison Nebrija at United Nations Children’s Fund sa pamamagitan ng program officer na si Angelito Umali na susuportahan ang road safety awareness at initiatives ng mga grupo.# (Cathy Cruz)

Latest

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

Nangunguna ang ACT-CIS sa mga party-list na kagustuhan ng mga botante — survey

Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Inc....

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST...

Newsletter

spot_img

Don't miss

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

Nangunguna ang ACT-CIS sa mga party-list na kagustuhan ng mga botante — survey

Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Inc....

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST...

Sinusuportahan ng 2 lider ng bansa ang World Pandesal Day bilang pagdiriwang ng Filipino Heritage at paglaban sa gutom

Nagpahayag ng suporta sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,...
spot_imgspot_img

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong Marcos ang People's Alliance for Democracy and Reform (PADER) sa pamamagitan ng paglagda ng isang...

Nangunguna ang ACT-CIS sa mga party-list na kagustuhan ng mga botante — survey

Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Inc. (ACT-CIS) Party-list ay inaasahang makakakuha ng tatlong puwesto sa House of Representatives sa 2025 midterm...

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL), sa pamamagitan ng Executive Council nito at ng Engineering Sciences and Technology Division, ay...