Feature Articles:

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

DILG Usec Chito Valmocina naaalarma sa tumataas na bilang ng may sakit sa puso at baga

NAAALARMA si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito “Chito” Valmocina dahil sa tumataas ang bilang ng mga may sakit sa puso at baga.

Ayon sa datos na nakalap nya sa Barangay Holy Spirit, karaniwang problema na dumudulog sa kanilang sakit sa puso at baga. Sa katunayan, ang 5 pangunahing karamdaman ay ang L. Atrial Enlargement, Sinus Bradycardia, Sinus Arrythmia, Sinus Tachycardia, at positibo sa TB, ang naka-schedule para sa ECG.

Ang Barangay Holy Spirit lang sa buong Pilipinas ang may libreng serbisyo ng medical gaya ng Ultrasound, ECG, E-ray, 2D Echo, Eye Refraction, Blood Chem, Urinalysis at konsultasyon.

Umabot sa 643,783 na kabuuang pasyente na ang natulungan simula noong 2016 hanggang sa kasalukuyan mula sa Batasan Hills, Commonwealth, Payatas, Bagong Silangan at iba pang barangay sa Lungsod Quezon at malalayong lalawigan na may kaanak na nakakaalam ng libreng serbisyo ito.

Ayon kay Chito Valmocina, mula Enero 14 hanggang Disyembre 18, 2022 na may kabuuang bilang na 7,177 halos kalahati nito o katumbas ng 3,372 ang may naitalang karamdaman sa baga.

Ang Health and Wellness Program ng Barangay Holy Spirit ay itinatag ni Usec Valmocina nang sya ay Punong Barangay pa lamang. Ipinagpatuloy at sinusuportahan ito ng nasabing barangay subalit mayorya sa gastusin dito ay sinasagot ng butihing DILG Usec mula sa kanyang kinikita sa mga pribadong kumpanya na kanyang itinayo bago pa man sya pumasok sa pamahalaan.

Bagaman, sinubukan nyang humingi ng tulong sa lokal at Kagawaran ng Pangkalusugan ay hindi sinusuwerte dahil sa kakulangan ng pondo ng pamahalaan. Sa halip, ang mga serbisyo at kagamitan tulad ng ambulansya ay hinihiram ng iba’t ibang lokal na pamahalaan lalo na sa panahon ng sakuna o bagyo.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapataas ng kalidad ng serbisyong medikal at kagamitan ng nasabing barangay. Panawagan ni Valmocina, na bukas ang kaniyang tanggapan o ang Barangay Holy Spirit sa sinumang may mabuti puso at kakayahang tumulong upang maipagpatuloy ang mga serbisyo at medikal lab na kanilang libreng ibinahagi sa mamamayang Pilipino.#

Latest

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Komprehensibong Healthcare Insurance para sa mga frontliners isinusulong ng United Frontliners Partylist

Nangako si Retiradong P/Lt. Gen. Rhodel “GenROS” O. Sermonia,...
spot_imgspot_img

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai na ipagdiriwang ng ahensya ang kanilang ika-50 Charter Anniversary sa Hulyo 31, 2025,...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan at kasaganahan sa unang bahagi ng ika-21 siglo—isang yugto na tinatawag ng marami bilang “Siglo...

Clark Water, Nagpapalago ng Sustainable Development sa Clark Freeport Zone sa Pamamagitan ng Strategic Infrastructure Investments

Malinis, maaasahang suplay ng tubig at episyenteng serbisyo sa wastewater ang pundasyon ng tagumpay ng anumang investment hub. Sa Clark Freeport Zone (CFZ) sa...