Maaaring maging paupo-upo at pa-relax relax na lang ang mga kasapi ng mga agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa nalalapit na panahon dahil ang pagbebenta ng kanilang mga ani ay pwedeng maging isang pindutan na lang.
Nagsasagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang espesyal na marketing strategy na magtatampok sa online ng mga mahuhusay na produkto ng iba’t-ibang ARBOs at ng mga kasapi nito kung saan isasalarawan ang mga ito at kung kailan sinisimulan ang taniman at ang anihan.
Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na layunin ng espesyal na proyektong bentahan na tinaguriang: ““Land-based digitization,” ang palakasin bilang isang malawakang farmers’ registry ang kasalukuyang DAR database na kinabibilangan din ng impormasyon ukol sa estado ng mga lupang pansakahan na naibahagi na sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Hinirang ni Estrella si Undersecretary for Finance Management and Administration Jeffrey Galan upang pamunuan ang nasabing proyekto na magbibigay ng ideya sa publiko, lalo na sa mga institutional buyers tungkol sa mga pananim ng mga magsasaka at kung kailan aanihin ang mga ito nang sa gayon ay makapag-order na sila nang maramihan bago pa mag-anihan.
“Layunin nito na maiiwas hangga’t maaari ang ating mga ARBs na makipag-transaksyon sa mga tiwaling mangangalakal at mga middlemen na nagsasamantala kapag panahon ng anihan sa pagbibili ng mga ani nila sa napakamurang halaga,” ani hepe ng DAR.
Dagdag pa niya: “Oras na gumagana na ang ating database, ito ay isasalang na sa ating DAR website kung saan ang mga stakeholders ay maaaring bumisita, makipag-transaksyon sa mga ARBOs at mag-order. Halos isang pindot na lang sa button ay ayos na.”
Ayon kay Estrella, ang land-based digitization ay kaakibat ng isa pang espesyal na proyekto – “ang value chain boosting,” kung saan ang mga kasabi ng ARBO ay kinukumbinsing pagsama-samahin ang kanilang mga ani upang matugunan nila ang dami ng order ng mga corporate o mga malalaking negosyante sa larangan ng fast-food chain at mga supermarket.
“Dahil ang bawat isa sa ating mga ARBs ay nagbubungkal lamang ng di-kalakihang sakahan, hindi nila magagawang maabot ang dami ng order ng mga may-ari ng korporasyon nang mag-isa lamang. Pero kung kikilos sila bilang isang samahan, magagawa nila nang walang kahirap-hirap at marami pang matitira,” aniya.
Maaaring maging paupo-upo at pa-relax relax na lang ang mga kasapi ng mga agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa nalalapit na panahon dahil ang pagbebenta ng kanilang mga ani ay pwedeng maging isang pindutan na lang.
Nagsasagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang espesyal na marketing strategy na magtatampok sa online ng mga mahuhusay na produkto ng iba’t-ibang ARBOs at ng mga kasapi nito kung saan isasalarawan ang mga ito at kung kailan sinisimulan ang taniman at ang anihan.
Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na layunin ng espesyal na proyektong bentahan na tinaguriang: ““Land-based digitization,” ang palakasin bilang isang malawakang farmers’ registry ang kasalukuyang DAR database na kinabibilangan din ng impormasyon ukol sa estado ng mga lupang pansakahan na naibahagi na sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Hinirang ni Estrella si Undersecretary for Finance Management and Administration Jeffrey Galan upang pamunuan ang nasabing proyekto na magbibigay ng ideya sa publiko, lalo na sa mga institutional buyers tungkol sa mga pananim ng mga magsasaka at kung kailan aanihin ang mga ito nang sa gayon ay makapag-order na sila nang maramihan bago pa mag-anihan.
“Layunin nito na maiiwas hangga’t maaari ang ating mga ARBs na makipag-transaksyon sa mga tiwaling mangangalakal at mga middlemen na nagsasamantala kapag panahon ng anihan sa pagbibili ng mga ani nila sa napakamurang halaga,” ani hepe ng DAR.
Dagdag pa niya: “Oras na gumagana na ang ating database, ito ay isasalang na sa ating DAR website kung saan ang mga stakeholders ay maaaring bumisita, makipag-transaksyon sa mga ARBOs at mag-order. Halos isang pindot na lang sa button ay ayos na.”
Ayon kay Estrella, ang land-based digitization ay kaakibat ng isa pang espesyal na proyekto – “ang value chain boosting,” kung saan ang mga kasabi ng ARBO ay kinukumbinsing pagsama-samahin ang kanilang mga ani upang matugunan nila ang dami ng order ng mga corporate o mga malalaking negosyante sa larangan ng fast-food chain at mga supermarket.
“Dahil ang bawat isa sa ating mga ARBs ay nagbubungkal lamang ng di-kalakihang sakahan, hindi nila magagawang maabot ang dami ng order ng mga may-ari ng korporasyon nang mag-isa lamang. Pero kung kikilos sila bilang isang samahan, magagawa nila nang walang kahirap-hirap at marami pang matitira,” aniya.#