Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Medical Assistance Program ng DAR isinama na ang mga magsasaka

Secretary Conrado Estrella III

Humingi ng tulong si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isama ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa mga tatanggap ng programang Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP) ng Department of Health (DOH).

Ang MAIP ay isang programa ng DOH na nagbibigay ng tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente sa bansa na naghahanap ng konsultasyon, rehabilitasyon, pagsusuri o papapa-ospital sa mga pampublikong ospital.

Sinabi ni Estrella na bahagi ito ng 9-point priority areas na tinukoy ng DAR, bilang tugon sa panawagan ng Pangulo na ipagpatuloy ang agrarian reform program at pagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga magsasaka sa buong bansa.

“Bukod sa pagbibigay ng mga solusyon sa mga problema sa seguridad ng pagmamay-ari ng lupa, pagbibigay ng hustisyang agraryo at pagkakaloob ng mga suportang serbisyo, isinasaalang-alang din natin ang iba pang mga pasanin na dalahin ng mga ARBs,” ani Estrella.

Sinabi ni Estrella na kailangan ding tugunan ng DAR ang mga medikal na alalahanin ng mga ARB, dahil karamihan sa kanila ay kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“Karaniwang umuutang ang mga magsasaka sa tuwing nagkakasakit ang isa sa mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang komprehensibong suporta mula sa DAR at iba pang pambansang ahensya ay kinakailangan upang mapagaan ang mga ganitong uri ng pasanin na dinadala ng mga magsasaka,” ani Estrella.

Binigyang-diin ni EstrelIa na iminungkahi na niya sa isa sa mga pulong ng Gabinete kasama ang Pangulo, na isama sa saklaw ng DOH ang mga ARB bilang mga tatanggap ng MAIP at tiniyak sa mga ARB na sila ay isasama sa nasabing programa pagsapit ng 2023.#

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...