LUNGSOD NG SAN FERNANDO, PAMPANGA – Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa pangunguna ni Assistant Secretary for Agribusiness Kristine Evangelista, Regional Director Crispulo Bautista at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) Chief Fernando Lorenzo ang inagurasyon ng tatlong wing van truck noong ika-19 ng Enero sa DA Capitol Compound.
Layunin ng proyektong ito na matulungang mapadali ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura ng mga magsasaka’t mangingisda sa iba’t ibang lalawigang malapit sa Gitnang Luzon.
Samantala, isang pagpupulong patungkol sa implementasyon ngayong taon ng Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA ni Ani at Kita) din ang ginanap sa pagitan ng mga KADIWA suppliers at ahensiya. # # # (DA-RFO III, RAFIS)