Masayang tinanggap ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory VIII (RADDL) sa Tacloban, Leyte ang mga dagdag na supplies mula sa BAI ADDRL upang mapalakas ang surveillance laban sa ASF.
Nagtungo ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa naturang laboratoryo bilang bahagi ng maigting na kampanya sa pagsugpo sa sakit. Ang “Babay ASF” program, sa pangunguna ni Secretary William Dar, ay naglalayon na palakasin ang partnership ng DA at ng mga lokal na pamahalaan.
Personal na inabot ni Director Ronnie Domingo kay Reynaldo Salamat, hepe ng Integrated Laboratory Division, ang mga diagnostic kits para sa ASF at iba pang kagamitan.
Nakatakda din sa mga susunod na araw ang pag-uusap ukol sa kasalukuyang ASF control activities sa Leyte na pinangungunahan ni DARFO Regional Executive Director Angel Enriquez. Si Dr. Samuel Joseph Castro ng BAI ASF Task Force, at Dr. Jose Eduardo David ng National Veterinary Quarantine Services Division, ay kasama sa interagency assessment at field inspection. # # # (DA-BAI)