Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Mga naninirahan sa Quezon City, nagsimulang magtanim para sa ikalawang proyekto ng DAR na “Buhay sa Gulay”

Sinimulan na ng walumpung (80) benepisyaryong naninirahan sa lungsod Quezon ang pagtatanim para sa ikalawang proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Metro Manila, na tinatawag na “Buhay sa Gulay” project, sa ilang bahagi ng pitong (7) ektaryang lupain sa Bagong Silangan, Quezon City upang mabigyan ang mga residente ng barangay ng matatag at tuluy-tuloy na suplay ng iba’t ibang uri ng mga gulay sa buong taon.

Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Office Atty. Emily Padilla na: “Nagsimula lamang po ito sa isang pangarap, sa kagustuhan nating makatulong na mapakain ang pitong porsyento ng populasyon sa barangay Bagong Silangan, sa New Greenland Farm. At sa tiwala sa bawat isa sa inyo na kaya ninyong payabungin itong mga halaman na ito. Magtiwala po tayo sa ating mga sarili na kaya nating tumayong mag-isa. Na ang lungsod ng Quezon ay maaaring maging sentro ng agrikultura, kahit ito ay nasa gitna pa ng highly urbanized city.”

SInabi ni DAR-Calabarzon Regional Director Rene Colocar na ang mga residenteng-benepisyaryo ng kauna-unahang lugar sa QC, at ikalawa sa proyekto ng DAR na urban vegetable farming sa Metro Manila, ay nakapagtanim ng mga binhi ng gulay sa halos isang ektaryang lupa sa kabuuang sakop nito na pitong ektaryang lawak.

Sinabi niya na apatnaput-limang (45) garden plots na may sukat na 1 metro x 12 metro ang inihanda sa pagtatanim. Isang kompetisyon ang inihanda sa pagitan ng mga residenteng-benepisyaryo. Ang mga benepisyaryo ay hinati sa limang grupo kung saan sila ay pinagkalooban ng kani-kanilang parte ng lupa na kanilang lilinangin at pagyayamanin. Ang bawat koponan ay magkakaroon ng hindi hihigit sa 9 na garden plots na  binubuo ng isang parsela.

“Matapos magtanim, dapat tiyakin ng grupo na lahat ng pangangailangang pang araw-araw na pamamahala sa pagtatanim ay maisasagawa hanggang ang mga halaman ay handa na upang anihin pagkalipas ng 25 araw,” aniya.

Isiniwalat ni Colocar na ang 7-ektayang hardin ng gulayan na ginamitan ng bahagyang mekanisasyon sa Quezon City ay makapagbibigay ng  karagdagang kita na Php125,488 sa bawat kalahok na mga naninirahan sa siyudad sa  bawat taon.

Ang pagtatanim ay isasagawa katuwang ang anim (6) na agrarian reform beneficiary organizations (ARBOS) ng DAR-Cavite at dalawang (2) ARBOs ng DAR-Rizal. Ang mga magsasakang ito ay pawang mga sinanay ng DAR at ng Department of Agriculture (DA) at sila ay itinuturing na mga farmer-scientists, na siyang nagturo ng mga kaalaman at tamang paraan ng paghahalaman ng gulayan sa lungsod sa 80 direktang mga benepisyaryong naninirahan sa lungsod,

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, “ito ang aking pangarap na proyekto na magkaroon tayo ng urban farm sa ating  lungsod para hindi na tayo aasa pa sa ibang lalawigan  para sa ating pangkabuhayan at sa ating pagkain.”

Sinabi ni Bagong Silangan Barangay Chairman Wilfredo Cara na ang mga residente sa kanilang komunidad ay masayang-masaya sa proyektong ito dahil may murang mapagkukunan na sila ng mga gulay.

Inilunsad ng DAR at ng pamahalaan ng Quezon City ang ikalawang  proyekto ng “Buhay sa Gulay” noong January 8, 2021, at inaasahan nila ang unang pag-aani sa Pebrero 14, 2021.###

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...