LUNGSOD NG SAN FERNANDO, PAMPANGA – Nagsagawa ng pagpupulong ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon kasama ang iba’t ibang seed companies sa DA Conference Hall ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 ngayong araw.
Layunin ng aktibidad na mas mapalawig at mapatupad ng maayos ang hybridization program sa Gitnang Luzon at matutukan ang mga delivery at distribution ng mga seeds sa mga lokal na magsasaka.
Hinihikayat ni Regional Director Crispulo Bautista ang lahat ng mga seed companies na magsagawa ng kani-kanilang field demonstration farm upang maipamalas ang kanilang mga barayti o produkto.
“Magtulungan tayo. Mag-set kayo ng mga demo farm ninyo para ma-feature at ma-showcase ang inyong mga produkto sa mga iba’t ibang magsasaka sa rehiyon. Malaki ang pondong nakalaan para sa Rice Banner Program at ang 70% noon ay nasa hybrid seeds,” dagdag ng direktor.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang kinatawan ng mga seed companies tulad ng Longping Tropical Rice Development Inc., SL Agritech Corporation, SeedWorks Philippines Inc., ALJAY Agro-Industrial Solutions Incorporated, Bayer Crop Science, Bioseed Research Philippines, Inc., Corteva Agriscience at Syngenta.
Sa katunayan, nasa 285,000 bags ang nakalaang regular na pondo para sa hybrid seeds habang 50,000 naman sa seed reserves ngayong 2021. # ## (DA-RFO III, RAFIS)