Nagdaos ng pambungad na pagpupulong ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasama ang produksyon ng Pinoy Big Brother (PBB) nitong Disyembre 18, 2025 upang talakayin ang maraming napatunayang reklamo mula sa publiko kaugnay ng ilang episodyo ng programa.

Ayon sa Chairperson at CEO ng MTRCB na si Lala Sotto, mahalaga ang pagtugon sa mga isyu dahil malapit na sinusubaybayan ng mga kabataang manonood ang mga gawain at interaksyon ng mga housemate. Aniya, nakakaimpluwensya ang kanilang kilos at pag-uugali sa pag-unawa ng mga batang manonood sa mga sitwasyon.
Iminungkahi ni Sotto na dapat pag-isipan ng produksyon ang pagbuo ng isang malinaw na Code of Ethics at mga panuntunang pangkaligtasan para maprotektahan ang kababaihan at kabataan. Giit nito, ang mga kabataang malayo sa kanilang mga pamilya ay nararapat lamang na magkaroon ng ligtas na espasyo.
Rekomendasyon ng Lupon na ang pagtugon ng programa sa mga away o “authentic moments” ay dapat gamitin upang itaguyod ang respeto at positibong asal. Sa ganitong paraan, anila, maaaring maging konstruktibong aral para sa mga manonood ang anumang mahirap na sitwasyon.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng koponan ng PBB na naisasagawa na nila ang pagtulong sa mga babaeng contestant na harapin ang kanilang nararamdaman, at pinaalalahanan na ang mga lalaking nasa likod ng nakakasakit na kilos. Giit ng produksyon, walang lugar ang kawalan ng respeto sa loob ng bahay ni Big Brother, at binibigyang-diin nila ang halaga ng empatiya at pananagutan sa isa’t isa.
Patuloy na mino-monitor ng MTRCB ang programa upang matiyak na naaayon ito sa mga pamantayan para sa telebisyon.#




