Feature Articles:

Typhoon Tino relief effort concludes with full financial transparency, aiding nearly 2,000 families

CEBU, Philippines – A major relief operation for victims of...

Protecting Ecosystems to Combat Climate Change

In the global fight against climate change, protecting and...

Itinatampok ng UN ang makabagong planta ng Pinoy para sa malinis na tubig

Isang malaking karangalan ang nakamit ng isang kompanyang Pinoy matapos itampok ng United Nations ang kanilang makabagong teknolohiya para sa paglilinis ng wastewater o ginamit na tubig.

Ang i-TECH Packaged Sewage Treatment Plant (STP) ng Manila Water Infratech Solutions (MWIS) ay kabilang sa mga hinangaan at itinampok na Green Urban Energy Solutions sa aklat na Green Technology Book – EXPO 2025 Special Edition na inilathala ng World Intellectual Property Organization (WIPO) ng United Nations.

Ang i-TECH Packaged Sewage Treatment Plant ng Manila Water Infratech Solutions ay nakalista at ipinakita sa Green Technology Book – EXPO 2025 Special Edition, na inilathala ng World Intellectual Property Organization (WIPO) ng United Nations.

Ang publikasyong ito, na inihanda para sa darating na EXPO 2025 sa Osaka, Japan, ay naglalaman ng mahigit 200 mga teknolohiya at solusyon para sa malinis na enerhiya na angkop gamitin sa mabilis na umuunlad na rehiyon ng Asia-Pacific.

Ayon sa UN WIPO, nananatiling malaking hamon ang kaligtasan ng tubig, lalo na sa mga umuunlad na bansa. Nangangailangan ng malaking enerhiya ang mga sistema sa lungsod para sa pagbomba, paglinis, at pamamahagi ng tubig. Kaya’t ang mga makabagong solusyon tulad ng i-TECH Packaged STP ay napakahalaga upang makatipid ng enerhiya at mapangalagaan ang ating pinagkukunan ng tubig.

Epektibo, Matipid, at Nakatutulong sa Kalikasan

Ang i-TECH Packaged STP ay kinilala bilang isang bagong teknolohiya para sa mabisang pagtreat ng wastewater sa mga maliliit hanggang katamtamang lugar. Gumagamit ito ng advanced membrane bioreactor (MBR) technology na kilala sa mga sumusunod na benepisyo:

Mataas na Kalidad ng Tubig: Ang tubig na nalinis gamit ang MBR ay maaaring gamiting muli para sa pagdidilig at mga proseso sa industriya.

  • Matipid sa Enerhiya: Sinusuportahan nito ang mas episyenteng paraan ng aeration, isang mahalagang hakbang sa paglilinis ng tubig.
  • Hindi Nangangailangan ng Malaking Espasyo: Compact ang disenyo nito kaya ideal para sa mga lungsod na limitado ang espasyo.
  • Mas Kaunting Basura: Nakakababa ito ng dami ng sludge o latak na nalilikha, na siyang nakakapagpababa rin ng gastos sa pagtatapon.
  • Mas Mabisang Paglinis: Kayang alisin ang mas maraming dumi, kabilang ang mga bakterya at virus, kumpara sa mga karaniwang planta.

Ang MBR system ay laganap na ngayon sa mga bansang tulad ng China at Japan at karaniwang ginagamit sa mga lungsod, industriya, at maging sa mga gusali o maliliit na komunidad.

Ang pagkatampok ng i-TECH Packaged STP sa internasyonal na publikasyon ay sumasalamin sa dedikasyon ng MWIS na maghatid ng smart, scalable, at sustainable na solusyon para sa tubig ng mga komunidad at industriya sa Pilipinas. Ito ay isang patunay na ang galing ng Pinoy ay kahanay ng mga nangungunang solusyon sa buong mundo para sa isang mas malinis at mas matatag na kinabukasan.#

Latest

Typhoon Tino relief effort concludes with full financial transparency, aiding nearly 2,000 families

CEBU, Philippines – A major relief operation for victims of...

Protecting Ecosystems to Combat Climate Change

In the global fight against climate change, protecting and...

ISI E-Beam Pioneers High-Speed Food Sterilization in the Philippines, Boosting Export Potential

TANAY, RIZAL – A new private company, ISI E-Beam, is...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

Typhoon Tino relief effort concludes with full financial transparency, aiding nearly 2,000 families

CEBU, Philippines – A major relief operation for victims of...

Protecting Ecosystems to Combat Climate Change

In the global fight against climate change, protecting and...

ISI E-Beam Pioneers High-Speed Food Sterilization in the Philippines, Boosting Export Potential

TANAY, RIZAL – A new private company, ISI E-Beam, is...

Iba’t Ibang Samahan, Nagrally Bilang Suporta kay Pangulong Marcos Jr.; Nanawagan ng Pagpapanagot sa mga Sangkot sa Katiwalian

LUNGSOD QUEZON — Nagsagawa ng isang "Anti-Corruption and Peace Rally"...
spot_imgspot_img

Typhoon Tino relief effort concludes with full financial transparency, aiding nearly 2,000 families

CEBU, Philippines – A major relief operation for victims of Typhoon Tino has successfully provided critical aid to 1,952 families across Cebu and Negros Occidental,...

European and Southeast Asian Space Agencies Forge New Alliance to Harness Earth Observation for Regional Resilience

QUEZON CITY, Philippines – November 17, 2025 – In a significant move to bolster environmental monitoring and sustainable development across Southeast Asia, space agencies...

Protecting Ecosystems to Combat Climate Change

In the global fight against climate change, protecting and restoring forests, grasslands, and oceans is a critical strategy. These natural ecosystems act as powerful...