Feature Articles:

Eagles Relief Drive in Masbate Distributes 1,294 Packs

The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE) distributed...

Pinuna ng mga mangingisda ang malakihang gastos sa militar, nanawagan ng pagtugon sa krisis sa pagkain at korapsyon

Mariing tinutulan ng mga mangingisda at mga grupong sibilyan ang patuloy na malakihang paggasta ng pamahalaan sa mga armas militar, anila’y dahil sa pressure mula sa Estados Unidos, na nagdudulot ng paglihis ng pondo mula sa paglutas sa malubhang krisis sa pagkain at korupsyon sa bansa.

Sa isang public testimony, binigyang-diin ng mga kinatawan ang direktang epekto sa mga mamamayan ng paghahanda ng bansa para sa digma. Iniulat ng mga mangingisda na takot na silang mangisda sa mga pinag-aagawang karagatan, na sumisira sa kanilang kabuhayan at supply ng pagkain sa bansa, samantalang bilyun-bilyo—posibleng trilyun-trilyon—ng piso ang napupunta sa pagbili ng mga armas.

Ayon kay Pablo Rosales, “Ang perang dapat gamitin para ipagtayo ng ating gobyerno ay napupunta sa korupsyon at pagbili ng armas para sa digmaan,” pahayag ng isang tagapagsalita. “Ito ay masamang direksyon para sa ating bansa, habang walang mga deklaradong kaaway sa Pilipinas.

Nakasentro ang pagtutol sa tumitinding alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos kaugnay ng hidwaan nito sa China. Tinagurian ito ng mga kritiko bilang isang “banta sa mamamayan,” at iginiit na itinutulak ang bansa sa isang hidwaang hindi naman nila sarili. Partikular nilang itinuro ang pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa U.S., na kanilang nakikita bilang isang direktang paghihimok.

Sa kabila ng pag-‘assure’ ng pamahalaan na handa itong “ipagtanggol ang soberanya,” iginiit ng mga grupo na ang tunay na pambansang seguridad ay nakasalalay sa katatagan ng ekonomiya. Kabilang sa kanilang mga hinaing ang paggawa ng isang pondo para tugunan ang krisis sa pagkain, pagtuon sa pagpapalago ng lokal na industriya, at pangangalaga sa pambansang industriyalisasyon.

“Itinutulak tayo ng U.S. na maging matapang sa paghahanda ng ating bansa para sa digmaan laban sa China, at ito ay isang banta sa mamamayan,” ayon sa testimonyo. Nanawagan din ang mga mangingisda ng suporta mula sa parehong Taiwan at China upang malutas ang krisis sa pagkain, na naglalayo sa kaniling panawagan sa militaristang posisyon ng pamahalaan.

Ang pangunahing panawagan ay ang agarang pagtigil sa kasalukuyang direksyon. Nais ng mga grupo ang isang Pilipinas na nagtatayo ng isang “malakas at maunlad na sistema” na nakatuon sa pagtapos sa gutom at korupsyon, sa halip na makisali sa isang paligsahan ng mga armas sa rehiyon na magdudulot lamang ng pagkawasak.#

Latest

Eagles Relief Drive in Masbate Distributes 1,294 Packs

The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE) distributed...

Soberanya sa Pagkain, Hindi Sandata: Binabago ng Kilusan ang Diwa ng Pambansang Seguridad

Tuluyang tumuligsa ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya sa...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Eagles Relief Drive in Masbate Distributes 1,294 Packs

The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE) distributed...

Soberanya sa Pagkain, Hindi Sandata: Binabago ng Kilusan ang Diwa ng Pambansang Seguridad

Tuluyang tumuligsa ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya sa...

Advocacy Group Condemns Government Policies for Worsening Philippine Food Crisis

The Kilusan para sa Pambansang Demokrasya, today launched a...
spot_imgspot_img

Sa Araw ng Pagkain ng Mundo, binatikos ng Oceana ang plano ng gobyerno na buksan ang Munisipal na Katubigan sa malalaking mangingisda

Sa pagdiriwang ng World Food Day o Araw ng Pagkain ng Mundo, tinutulan ng marine conservation group na Oceana ang isang panukala ng pamahalaan...

Farmers’ group condemns Government Priorities on National Food Day, demands higher rice priceand subsidies, not weapons

A national farmers' alliance has launched a sharp protest against the government, criticizing its response to national hunger and demanding immediate subsidies and a...

Eagles Relief Drive in Masbate Distributes 1,294 Packs

The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE) distributed 1,294 relief packs across Masbate, concluding an operation that resulted in a PHP 37,939.63 financial...