Feature Articles:

CCWI Exposes Systemic Corruption in Philippine Infrastructure Projects, Alleges “Biggest Theft”

In a stunning televised expose, the chairman of the...

PICE Engineers Expose Systemic Flaws in Quezon City Flood Control Projects; Call for Urgent Reform

In a revealing exclusive interview, leaders of the Philippine...

Isinusulong ng DepEd at DOST-PHIVOLCS ang mas pinatibay na Disaster Preparedness sa mga paaralan

Handa magbigay ng teknikal na tulong ang Department of Science and Technology (DOST) sa Department of Education (DepEd) upang paigtingin ang batay sa agham na kahandaan at pagtugon sa mga kalamidad sa mga paaralan sa buong bansa.

Ang hakbangin ay ginagawa kasunod ng mga nagdaang lindol sa Cebu at Davao Oriental, at bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing ang mga desisyon tulad ng pagpapasuspinde ng klase ay nakabatay sa siyentipikong datos, localized risk assessments, at itinakdang pamantayan ng kaligtasan.

Ayon kay DOST Secretary Renato U. Solidum Jr., “Mahalaga ang papel ng agham upang matiyak na ang ating mga desisyon sa panahon ng mga kalamidad ay hindi lamang mabilis kundi tama. Sa mas matibay na pakikipagtulungan sa Department of Education, layunin nating patatagin ang kahandaang pang-kalamidad sa mga paaralan, at tiyakin na ang mga protokol sa kaligtasan at pagpapasuspinde ng klase ay laging nakabatay sa datos at ebidensya.”

Sa isang pagpupulong noong Martes sa DepEd Office sa Makati City, tinalakay ng dalawang ahensya ang pangangailangang “over-engineer” o magtayo ng mga istrukturang lampas sa karaniwang mga kinakailangan upang matiyak na ang mga paaralan na malapit sa fault lines ay makatiis sa malakas na lindol.

Bukod dito, nagpahayag ang DepEd ng pangangailangan ng pakikipagtulungan sa DOST-PHIVOLCS para sa mga programang pagsasanay na magpapaigting sa kakayahan ng mga rehiyonal at field office sa pagsusuri ng katatagan ng gusali at angkop na pagtugon sa mga lindol.

Iminungkahi rin ng DepEd ang pagtatatag ng isang DepEd Command Center na magsisilbing monitoring hub para sa pagtugon sa kalamidad at maagang babala. Maaari ring sanayin ang mga kawani ng DepEd sa paggamit ng checklist-based procedures na awtomatikong magpapadala ng mga alerto kapag natukoy ang mga partikular na kondisyon ng panganib.

Giit ni DepEd Secretary Sonny Angara, “Nang makita ko mismo ang pinsala ng lindol sa Cebu at Davao Oriental, mas napatunayan nating mahalaga ang tamang datos at koordinasyon. Sa tulong ng PHIVOLCS, masisiguro nating ang bawat hakbang ng DepEd ay mabilis, ligtas, at may batayang siyentipiko.”

Binigyang-diin ni Angara na ang kahandaan ay dapat palaging magkasabay sa mga hakbang para sa pagpapatuloy ng pag-aaral. Alinsunod sa DepEd Order No. 22, s. 2024, ang awtoridad sa pagpapasuspinde ng klase ay nasa Local Chief Executive (LCE), Schools Division Superintendent (SDS), at mga punong-guro. Ang mga desisyong ito ay dapat nakabatay sa mga abiso ng PHIVOLCS, aktwal na kalagayan sa lugar, at kahandaan ng paaralan na agad na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 21, s. 2015, inuutusang ang mga Rehiyonal na Opisina ay dapat mag-monitor ng mga hakbang sa pag-iwas at paghahanda upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto kahit na maapektuhan ng mga kalamidad ang mga paaralan.#

Latest

CCWI Exposes Systemic Corruption in Philippine Infrastructure Projects, Alleges “Biggest Theft”

In a stunning televised expose, the chairman of the...

PICE Engineers Expose Systemic Flaws in Quezon City Flood Control Projects; Call for Urgent Reform

In a revealing exclusive interview, leaders of the Philippine...

PRC Board Unveils Major Overhaul for Electrical Engineer Specialization, Proposes “Grandfather Clause”

The Professional Regulation Commission (PRC) Board of Electrical Engineering...

Newsletter

spot_img
spot_img
spot_img

Don't miss

MDEC and Ant International Expand Alliance to Fast-Track Digital Adoption for Malaysian MSMEs

In a significant move to bolster the national digital...
spot_imgspot_img

CCWI Exposes Systemic Corruption in Philippine Infrastructure Projects, Alleges “Biggest Theft”

In a stunning televised expose, the chairman of the anti-corruption watchdog Crime and Corruption Watch International (CCWI) Carlo Batalla revealed extensive alleged graft within...

PICE Engineers Expose Systemic Flaws in Quezon City Flood Control Projects; Call for Urgent Reform

In a revealing exclusive interview, leaders of the Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Quezon City Chapter disclosed that numerous national flood control projects...

IIEE President Herrera Inspires Unity, Service at UPEEP Convention, Welcomes 2026 Board

In a speech on the eve of the National Convention, Engr. Alberto R. Herrera Jr., National President of the Institute of Integrated Electrical Engineers...