Nakatakdang tumanggap ng mas maaasahang supply ng tubig ang libu-libong residente ng Bay, Laguna sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad na inilunsad ng Laguna Aquatech, ang operating unit ng Manila Water para sa Non-East Zone.
Ayon kay Arla Patricio, General Manager ng Laguna Aquatech, ang matagumpay na paggawa at pag-energize ng mga bagong pinagkukunan ng tubig ay isang pangunahing tagumpay para sa kumpanya. “Pinatutunayan nito ang aming pangakong mamuhunan sa mga imprastruktura na direktang pakikinabangan ng mga komunidad na aming pinagsisilbihan,” pahayag ni Patricio.

Target na maging ganap na operasyonal ang mga proyekto sa Oktubre 2025, at inaasahang mabibigyan ng serbisyo ang halos 7,500 na kabuuang koneksyon ng tubig sa buong bayan.
Target na maging ganap na operasyonal ang mga proyekto sa Oktubre 2025. Inaasahang mabibigyan ng serbisyo ang kabuuang 7,441 na koneksyon o tinatayang 28,424 na mamamayan sa buong bayan. Ang mga subdibisyon ng Bay Garden Homes at Bay View, kasama ang LCC, ang pangunahing makikinabang sa proyektong ito.
Bukod sa pagdaragdag ng supply, malulutas ng mga bagong pasilidad ang mga isyu sa mahinang pressure sa tubig, na itataas ang lebel mula 5 hanggang 15 psi. Gagamitin din ang advanced na DMI-65 filtration technology upang masiguro ang kalidad ng tubig sa pamamagitan ng pag-aalis ng iron, manganese, at iba pang dumi.
Upang isulong ang transparency, nagsagawa kamakailan ang Laguna Aquatech ng isang “Lakbayan” o guided tour sa mga proyekto. Dinalaw din ang Jubileeville Pump Station, na kasalukuyang nagsusuplay sa buong bayan. Mababawasan ang pagkarga sa istasyong ito sa pag-operate ng mga bagong source, na mag-o-optimize sa distribusyon ng tubig.
Nakiisa sa nasabing Lakbayan si Bay Vice Mayor Michael Punzalan, na naghayag ng kanyang buong suporta sa inisyatiba.#



