Mas pinalalakas ng Manila Water Company, Inc. ang mga hakbang nito para labanan ang pagbabago ng klima sa pamamagitan ng mas maigting na pagpapalawak ng portfolio nito sa renewable energy.
Isinasagawa ito bilang bahagi ng komitment ng kumpanya sa sustainability, responsableng paggamit ng enerhiya, at pagpapatatag ng kanilang operasyon.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 3,000 kilowatts peak (kWp) na ng kapasidad ng solar energy ang naisagawa ng kumpanya sa iba’t ibang pasilidad. Kabilang dito ang mga kilalang solar installation na inaguraran noong Pebrero 2025, na nananatiling pinakamalaking solar plant sa sektor ng tubig sa bansa.
Ang mga pasilidad na ito, na itinayo sa pakikipagtulungan ng Ditrolic Energy, ay matatagpuan sa tatlong estratehikong lokasyon at patuloy na nakakapagpabawas sa pagdepende sa kuryente mula sa grid, habang pinabababa ang gastusin sa operasyon.
Lalong pinalawak ng Manila Water ang mga hakbang nito para sa renewable energy nang pirmahan nito noong Disyembre 2024 ang isang Power Purchase Agreement kasama ang MSpectrum upang suportahan ang karagdagang mga proyektong solar. Nagpapakita ito ng pangmatagalan nilang komitment sa malinis na enerhiya.
Ang mga solar installation na ito ay ipinatutupad sa sampung pasilidad sa East Zone, na naaayon sa layunin ng pamahalaan para sa renewable energy, at sa Energy Masterplan at Outlook ng kumpanya.
Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng “Accelerate Decarbonization” na stratehiya ng Manila Water, na kinabibilangan na rin ng pagsasama ng apat na pilot electric vehicle sa kanilang fleet operations at paggamit ng mga energy-efficient na teknolohiya.
Ayon kay Manila Water East Zone Chief Operating Officer Arnold Mortera, “Ang aming mga inisyatibo sa renewable energy ay sumasalamin sa aming pangmatagalang komitment sa pagkilos para sa klima at sustainable na operasyon. Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa solar power at energy efficiency, hindi lang namin binabawasan ang emissions kundi pinatitibay din namin ang aming serbisyo para sa susunod na henerasyon.”#



