Bilang bahagi ng kanilang patuloy na adhikain para sa kalusugan ng publiko at kalinisan ng kapaligiran, inilunsad ng Manila Water ang kanilang serbisyo ng libreng paglilinis o “desludging” ng septic tank para sa buwan ng Setyembre.
Ang nasabing inisyatibo, na walang karagdagang bayad, ay layong matulungan ang mga kabahayan na mapanatili ang maayos na sanitasyon, maiwasan ang polusyon sa tubig, at mabawasan ang mga panganib sa kalusugan na kaakibat ng maruming wastewater.
Sa buwan ng Setyembre, ang mga pangkat ng Manila Water ay maglilibot sa mga sumusunod na 41 barangay:
- Antipolo City: Mayamot, San Jose
- Morong: San Guillermo, San Pedro
- Taytay: San Isidro, San Juan
- Binangonan: Layunan, Libid, Libis, Mambog, Tagpos
- Cardona: Looc, Patunhay
- Montalban (Rodriguez): San Isidro
- San Mateo: Silangan
- Marikina City: Sta. Elena, Industrial Valley Complex
- Pasig City: Rosario, Buting
- Taguig City: Hagonoy
- Quezon City: Alicia, Bagong Pag-asa, Damayang Lagi, Dioquino Zobel, Holy Spirit, Libis, Loyola Heights, Bayong Kanluran, New Era, Pasong Tamo, San Martin de Porres, San Roque
- San Juan City: Balong Bato, Ermitanyo, Pasadena, Pedro Cruz, Greenhills, San Perfecto
- Mandaluyong City: Burol, Wack-wack Greenhills
- Makati City: Tejeros
Hinihikayat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay hall o bisitahin ang mga opisyal na channel ng Manila Water upang kumpirmahin ang iskedyul at makapag-avail ng serbisyo.
Giit ni G. Jeric Sevilla, Corporate Communication Affairs Group Director ng Manila Water, “Ang aming regular na desludging program ay isang hakbang para protektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran. Sa pag-aalok ng serbisyong ito nang libre, nais nating bigyang-kakayahan ang mga komunidad na mapanatili ang tamang sanitasyon at makatulong sa mas malilinis na daluyan ng tubig sa aming mga lugar na sinaserbisyuhan.”
Ang regular na programa sa paglilinis ng septic tank ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng Manila Water na masiguro ang ligtas, maaasahan, at sustainable na serbisyo sa sanitasyon para sa mga komunidad sa East Zone ng Metro Manila at ilang bahagi ng Rizal.#



