Feature Articles:

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang...

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Mapanganib at palyadong patakaran sa WPS ni PBBM

Habang inihahanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28, binabalaan ng mga eksperto na ang kanyang pamamahala sa usapin ng West Philippine Sea na umano’y nagiging mas lalong mali at mapanganib. Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ito ng legal na pagkakamali, diplomatikong isolasyon, at unti-unting pagkasira ng soberanya ng Pilipinas.

Sinisi ng mga geopolitical analyst at legal scholar na sina Dr. Melissa Loja, eksperto sa international law; Propesor Roland Simbulan, tagapangulo ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG); at Herman Tiu Laurel, pangulo ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI) ang administrasyong Marcos sa pagpapahina ng international law, panggagaya sa expansionist na taktika ng China, at paghila sa bansa sa mas malalim na militarisadong pakikipag-alyansa sa Estados Unidos.

Disastrous Failure” ang China Policy?
Ayon kay Tiu Laurel, ang polisiya ni Pangulong Marcos sa China ay isang “malaking kabiguan,” at dapat na bumalik sa isang independent foreign policy. Aniya, sa loob ng tatlong taon, wala ni isang pulgada ng teritoryo o dolyar mula sa oil and gas sa South China Sea ang napunta sa Pilipinas. Nasayang din umano ang magandang relasyon sa China na nagdulot ng bilyon-bilyong ayuda at pamumuhunan, bukod pa sa na-isolate tayo sa ASEAN, at ginawang sunud-sunuran sa militarisasyon ng Estados Unidos. Binanggit din ni Laurel ang desisyon ng administrasyon na tinalikuran ang 60-40 joint oil exploration deal sa China na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa halip ay pinalawak ang military cooperation sa Amerika.

Banta sa ASEAN Neutrality
Babala ni Herman Tiu Laurel na ang pagsunod sa proxy war ng US ay lumalabag sa prinsipyo ng ASEAN na Zone of Peace, Freedom, and Neutrality (ZOPFAN), at nagdudulot ng pagkakahati-hati sa loob ng bansa. Samantala, ang pagtaya sa Washington ay nagresulta sa One-sided trade agreements; pagdagsa ng US agricultural products sa ilalim ng zero tariffs; at lumolobong utang mula sa pagbili ng armas sa Amerika.

“Ang resulta? De-industrialization, de-agriculturalization, at pagbagsak ng pambansang ekonomiya… Kung magpapatuloy ito, mawawalan tayo ng leverage sa diplomasya at kaunlaran,” ayon kay Laurel

Nanawagan si Tiu Laurel kay Pangulong Marcos na gamitin ang nalalabing termino para ayusin ang polisiya: Ibalik ang diplomatikong balanse; Ipagpatuloy ang kalakalan sa lahat ng bansa, lalo na sa China; at Pagtuunan ng pansin ang kabuhayan, pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran.

Pilipinas, posibleng maging “proxy battleground” sa gitna ng paglakas ng presensya ng militar ng US

Babala ng mga eksperto na posibleng mahatak ang Pilipinas sa mas malawak na labanan sa rehiyon dahil sa patuloy na pagpapalawak ng presensyang militar ng Estados Unidos sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon kay Prof. Roland Simbulan, ginagawang bahagi ng “war machine” ng Amerika ang bansa, lalo na sa Subic kung saan nagkakaloob ng suplay ang Pilipinas para sa mga tropang Amerikano. “Ito ay naglalagay sa atin sa mapanganib na sitwasyon at banta sa ating pambansang seguridad,” ani Simbulan.

Puna rin niya sa administrasyong Marcos ang pagpapabaya sa ASEAN sa pagresolba ng mga maritime dispute, na nagdudulot ng tensiyon sa rehiyon. “Sa halip na magtulungan sa ASEAN, nag-iimbita tayo ng mga base militar ng US. Nakikita ito ng mga kapit-bansa natin na pagpapalakas ng militarisasyon. Kapag nagkagulo, tayo ang unang maaapektuhan,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Simbulan na ang presensya ng dayuhang militar at armas ay maaaring lumabag sa Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone treaties noong 1971 at 1995. “Nilalabag natin ito sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga base militar. Nadaramang napag-iiwanan ang ating mga kasamahan sa ASEAN.”

Pagrupok ng soberanya
Iginiit ng mga eksperto na patuloy na humihina ang kontrol ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “Lalong lumalala ang sitwasyon,” ayon kay Simbulan. “Patuloy ang militarisasyon ng China, habang tayo ay walang sapat na kakayahan para tumugon nang epektibo.”

Bagama’t mas malaki ang inilalaang pondo ni Pangulong Marcos para sa depensa kumpara kay dating Pangulong Duterte, nananatiling mahina ang ekonomiya, na naglilimita sa tunay na soberanya ng bansa. “Hangga’t hindi natin pinalalakas ang sariling depensa, patuloy tayong aasa sa dayuhan. Mukha tayong nagmamakaawa,” pahayag ni Simbulan.

Iminungkahi ng mga eksperto ang pamamaraan ng Indonesia at Vietnam bilang halimbawa ng balanseng diplomasya at pangangalaga sa soberanya. “Malakas ang kalakalan ng Indonesia sa China, ngunit iniiwasan nila ang hindi kinakailangang tensiyon. Hindi nila isinusuko ang soberanya, ngunit hindi rin sila nagpo-provoke,” paliwanag ni Simbulan.

Legal na peligro ng CADC
Binatikos naman ni Atty. Liza Loja, isang eksperto sa internasyonal na batas, ang “Comprehensive Archipelagic Defense Concept” (CADC) ng administrasyon dahil labag ito sa Konstitusyon at sa 2016 Arbitral Ruling na nagpawalang-bisa sa mga claim ng China sa South China Sea.

“Legal at estratehikong kamalian ang CADC,” giit ni Loja. “Tinuturing nito ang Kalayaan Island Group bilang bahagi ng teritoryo, na salungat sa batas, at nagbibigay-pahintulot sa militar na gumamit ng dahas sa EEZ—isang hakbang na katulad ng ginagawa ng China.”

Nagbabala siya na sa halip na maging lider ng ASEAN para sa mapayapang solusyon, nagiging “proxy battleground” ang Pilipinas sa labanang US-China. Nanawagan siya na ibukod ang mga dayuhang kapangyarihan tulad ng US at NATO sa dispute at maghanap ng regional consensus.

Hamon kay Marcos sa SONA
Nanawagan ang mga eksperto kay Pangulong Marcos na ipakita sa kanyang SONA ang tunay na pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

“Dapat ibalik ang balanseng diplomasya, iwasan ang mga gulo na magdudulot ng armadong labanan, at unahin ang pambansang interes kaysa geopolitika,” pahayag ni Loja.

Giit nila, nasa kritikal na punto ang Pilipinas—at ang SONA ay huling pagkakataon ng administrasyon para baguhin ang landas.

Ang mga piyon, laging nasasakripisyo sa digmaan,” paalala ni Loja. Huwag nating hayaang maging battleground tayo ng giyera ng iba.”#

Latest

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang...

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang...

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...
spot_imgspot_img

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao Xiu Fu Kunming In a historic step toward advancing global standards in herbal aesthetic and wellness...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang pinakamalaking samahan ng mga non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), at kooperatiba sa bansa, sa...

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon to receive aid in joint humanitarian mission In a powerful display of bayanihan, the Philippine National Police...