Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang pahayag ukol sa darating na pandaigdigang kumperensiya sa Hulyo 28–29 na pangungunahan ng France at Saudi Arabia sa United Nations sa New York. Layunin ng kumperensiyang ito ang makamit ang isang konkretong kasunduan para sa kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestina sa pamamagitan ng makataong prinsipyo ng Islam, Hudaismo, at Kristiyanismo, pati na rin ng internasyonal na batas at UN Charter.
Binatikos sa pahayag ang kasalukuyang gobyerno ng Israel dahil sa diumano’y mga makahayop na gawain at gera laban sa sangkatauhan sa ngalan ng “pagdepensa laban sa terorismo.” Ayon sa kanila, ang gobyernong ito ay patuloy na nabubuhay dahil sa suporta ng U.S. at U.K. sa anyo ng bilyong dolyar at armas.
Binigyang-diin ng Schiller Institute ang kahalagahan ng agarang pagkilala sa isang malayang estadong Palestino na may soberanya sa sarili nitong tubig at enerhiya. Bahagi ito ng tinatawag nilang Oasis Plan—isang panukalang pangkaunlaran para sa kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura ng tubig, at transportasyon.
Ang plano ay orihinal na iminungkahi ni Lyndon LaRouche noong 1975 upang lutasin ang mga suliraning heolohikal sa Israel, Palestina, at Jordan. Layunin nitong gawing makapamunga ang disyerto at pag-ugnayin ang mga bansa para sa mas aktibong kalakalan.
Panawagan ng Schiller Institute:
- Agarang tigil-putukan
- Pagpapalaya sa mga bihag at bilanggong pulitikal
- Pagbabalik ng humanitarian aid, tubig, at kuryente
- Pagkilala sa Estado ng Palestina bilang ganap na miyembro ng UN
Ang Oasis Plan ang tinitingnang pundasyon para sa isang bagong panahon ng kapayapaan, pagkakasundo, at pagtutulungan sa rehiyon.#