Feature Articles:

Concerns Raised Over Election Integrity and Malpractices During 2025 Midterm Elections

In a recent joint statement, the Alyansa ng Nagkakaisang...

CCWI nagsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng DPWH Region 6 dahil sa umano’y korapsyon at anomalyang Bidding

Inihayag ngayong Miyerkules (Mayo 21) ni Dr. Carlo Magno...

Patrick Roquel: Social Entrepreneur Champions Philippine Herbal Industry at Luzon Regional Scientific Meeting

Mr. Patrick Dimsuay Roquel, a dedicated social entrepreneur and...

Chairman ng Duterte Youth Partylist, Kinondena ang Hindi Pantay na Pagtrato ng Comelec

Kinondena ni Ronald Cardema, tagapagtatag at chairman ng Duterte Youth Partylist ang umano’y hindi pantay na pagtrato ng Commission on Elections (Comelec) sa proklamasyon ng mga nanalong partylist sa katatapos na midterm elections. Ayon kay Cardema, bagamat nakakuha sila ng mahigit 2.3 milyong boto at pumangalawa sa talaan ng mga nanalong partylist, ipinagpaliban pa rin ng Comelec ang kanilang proklamasyon dahil sa mga nakabinbing kaso ng diskwalipikasyon.

Sa isang press conference na ginanap sa Kamuning Bakery Café, iginiit ni Cardema na ang pagkaantala ng proklamasyon ay banta sa demokrasya at sinabing may kinikilingan ang Comelec laban sa kanilang grupo. Binigyang-diin niya ang kanilang partisipasyon sa mga nakaraang halalan — 300,000 boto noong 2019 at 600,000 noong 2022 — bilang patunay ng kanilang pagiging lehitimo.

Inakusahan niya ang Comelec ng pili lamang na pagproklama ng mga partylist, aniya’y hindi nadiskwalipika ang mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF, samantalang ang Duterte Youth ay sinuspinde. Itinanggi ni Cardema ang red-tagging, sabay sabing dati rin siyang miyembro ng mga makakaliwang grupo at tanging nagsasaad lamang siya ng mga katotohanan.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdie Topacio, naghain sila ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Comelec dahil umano sa “grave abuse of discretion.” Kwestyonable umano ang pagiging patas ni Comelec Chairman George Garcia dahil sa dati nitong pagiging abogado ni Pangulong Marcos. Tinuligsa rin nila ang mga akusasyong kagaya ng pamumuno sa mass murder, vote buying, at pagkalat ng fake news — mga paratang na kanilang tinawag na walang basehan.

Ayon kay Topacio, kinakailangan ng matibay na ebidensiya bago ipagpaliban ang proklamasyon, alinsunod sa Omnibus Election Code. Binatikos din niya ang pagkakakulong ni Cassandro Ong ng limang araw sa NBI nang walang arrest warrant. Idinagdag pa ni Atty. Harold Respicio, bagong halal na Bise Alkalde ng Reyna Mercedes, Isabela, na may anomalya rin sa transmission ng election results. Aniya, matagal ang paglipat ng data at hindi halos real-time ang paglalabas ng resulta — bagay na nagpapakita raw ng kakulangan ng transparency.

Parehong iginiit nina Topacio at Respicio na may pulitikal na motibo ang mga hakbang ng Comelec, at nanawagan sila ng pananagutan mula sa mga komisyoner ng ahensiya.#

Latest

Concerns Raised Over Election Integrity and Malpractices During 2025 Midterm Elections

In a recent joint statement, the Alyansa ng Nagkakaisang...

Patrick Roquel: Social Entrepreneur Champions Philippine Herbal Industry at Luzon Regional Scientific Meeting

Mr. Patrick Dimsuay Roquel, a dedicated social entrepreneur and...

PhilRice develops more nutritious yogurt with red and black rice bran

Yogurt, widely known for being a good source of...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

Concerns Raised Over Election Integrity and Malpractices During 2025 Midterm Elections

In a recent joint statement, the Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) and the Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) have raised alarming concerns...

CCWI nagsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng DPWH Region 6 dahil sa umano’y korapsyon at anomalyang Bidding

Inihayag ngayong Miyerkules (Mayo 21) ni Dr. Carlo Magno Batalla, Nagtatag at Pangulo ng Crimes and Corruption Watch International, Inc. (CCWI), na kanila nang...

Patrick Roquel: Social Entrepreneur Champions Philippine Herbal Industry at Luzon Regional Scientific Meeting

Mr. Patrick Dimsuay Roquel, a dedicated social entrepreneur and visionary leader, continues to make waves in the Philippine health and agriculture sectors through his...