Nagkaroon ng tatlong-kandidatong statistical tie para sa unang pwesto sa pinakahuling 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey ng Tangere. Nanguna sa survey sina Media Executive Ben “Bitag” Tulfo, ACT-CIS Representative Erwin Tulfo, at incumbent Senator Bong Go.
Si Ben “Bitag” Tulfo ang nanguna sa kabuuang ranking na may 55.71% na voter preference, na pinalakas ng suporta mula sa mga botante sa Metro Manila at Visayas. Pumangatlo naman si Rep. Erwin Tulfo na may 54.42%, suportado ng mga botante mula sa Hilagang Luzon at Gitnang Luzon. Kagaya ng nakaraang buwan, mas popular si Ben Tulfo sa millennial at Gen-Z voters, samantalang mas pinaboran naman ng mga nakatatandang respondents si Rep. Erwin Tulfo.
Pumangalawa si Senador Bong Go na may 55.17% voter preference, na isang malaking pagtaas kumpara sa nakaraang buwan. Nanguna si Sen. Go sa lahat ng kandidato sa Mindanao.
Pinakamalalaking Umangat noong Abril 2025
Narito ang mga kandidatong may pinakamalaking pag-angat sa survey ngayong Abril 2025: Senador Bong Revilla, nakatabla sa ika-4 at ika-5 pwesto na may 47.13% voter preference; nanguna sa CALABARZON; Incumbent Senator Francis Tolentino, nakatabla mula ika-11 hanggang ika-17 pwesto na may 32.96%, suportado ng CALABARZON at NCR; Rep. Marcoleta, nakatabla sa ika-19 at ika-20 pwesto na may 23.13%, na suportado ng Mindanao at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).
Top 12 na mga kandidato
Narito naman ang natitirang kandidato sa Top 12: Dating Senador Tito Sotto, nakatabla sa ika-4 at ika-5 pwesto na may 45.21% na boto; Limang kandidato ang nagtala ng statistical tie sa ika-6 hanggang ika-10 pwesto: Senadora Pia Cayetano – 39.17%; Dating DILG Secretary Ben Abalos – 38.08%, tumaas ang boto sa Metro Manila, Hilagang at Gitnang Luzon; Senador Lito Lapid – 37.92%; Senador Bato Dela Rosa – 37.42%; Dating Senador Panfilo Lacson – 37.29%; Dating Senador Manny Pacquiao – ika-11 pwesto na may 34.25%; bumaba ang boto mula sa Mindanao ngayong Abril.
Ang Tangere ay isang award-winning technology at market research company na layuning alamin ang pulso ng mamamayang Pilipino. Miyembro ito ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines (MORES), European Society for Opinion and Market Research (ESOMAR), at Philippine Association of National Advertisers (PANA). Isa rin ito sa mga unang rehistradong kumpanya sa COMELEC.
Para sa buong ulat at pagsusuri ng survey na ito, maaaring mag-email sa qual@tangereapp.com.#