Home Feature Komprehensibong Healthcare Insurance para sa mga frontliners isinusulong ng United Frontliners Partylist

Komprehensibong Healthcare Insurance para sa mga frontliners isinusulong ng United Frontliners Partylist

0
6

Nangako si Retiradong P/Lt. Gen. Rhodel “GenROS” O. Sermonia, Deputy PNP Chief for Operations at First Nominee ng United Frontliners Partylist, na isusulong ang isang komprehensibong healthcare insurance policy para sa lahat ng frontliners kung siya ay mahalal sa ika-20 Kongreso.

Kamakailan, bumalik si Sermonia mula sa isang kampanya sa Mindanao, na sumaklaw sa mga lugar gaya ng Socsargen, BARMM, at mga probinsya ng BaSulTa (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi). Sa forum na “Balitaan sa Tinapayan” na pinangunahan ni NPC Director Benedict Abaygar, inihayag ni Sermonia ang kanyang positibong pananaw sa kinabukasan at binigyang-diin ang pangangailangan na tugunan ang kapakanan ng mga frontliner sa bansa.

Ayon kay Sermonia, mahigit kalahati ng 115 milyong populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga frontliner, kabilang ang mga pulis, sundalo, at healthcare workers. Bagamat may mga umiiral nang polisiya para sa Tier 1 frontliners, binigyang-diin niya ang kakulangan ng sapat na insurance coverage. Ipinangako niyang isusulong ang awtomatikong insurance policies upang matiyak na ang mga frontliner at kanilang pamilya ay may sapat na proteksyon.

Ginunita ni Sermonia ang kanyang karanasan bilang isang police provincial at regional director ng Philippine National Police(PNP) na patunay ng kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko at makamit ang komunidad na walang droga. Suportado niya ang kampanya ng gobyerno laban sa droga at patuloy na isinusulong ang “whole-of-country approach” kung saan nagtutulungan ang mga ahensya ng gobyerno at mga komunidad.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang lalawigan ng Bataan ang naging unang probinsyang idineklarang drug-free noong panahon ng panunungkulan ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa. Ipinunto ni Sermonia ang kahalagahan ng mga programang pang-prebensyon, disiplina, at rehabilitasyon upang mapanatili ang transparency at accountability sa pagpapatupad ng batas. Bagaman dismayado sa mga eskalawags na pulis, nanindigan si Sermonia na maganda at epektibo ang programa ng paglaban ng pamahalaan sa illegal na droga subalit nagkakaroon lamang ito ng problema sa pagpapatupad.

Sinabi nito na noong kanyang kapanahunan na nasa PNP pa sya ay tiniyak nya na maraming mga pulis na umabuso ang napatawan ng karampatang kaparusahan, may nakulong at tinanggal sa katungkulan. Isiniwalat nya rin na sya ay dumaan sa matinding pagsubok sa pagpapatupad ng batas na ang nakalaban ay anak ng pulitiko. Nakita nya ang malaking suliranin ng bansa bunsod ng korapsyon, dynasty lalo na ang paggamit ng Partylist system para maging mambabatas tulad ng mga mayayamang may kontrol sa pangangailangan ng Pilipino, CPP-NPA, mga sindikato ng illegal na droga.

Tahasang sinabi nya sa publiko na kailangang suriing mabuti ang mga tumatakbo ngayong halalan lalo na sa mga Partylist. Huwag magpalinlang sa mga matatamis na salita at magpabayad sa pagboto. Aniya, ang tunay na rebolusyon ay sa darating na halalan ng Mayo 12, rebolusyon ng pagbabago para sa ikabubuti ng mga sambayanan at ng bansa.

Iginiit ni Sermonia ang kanyang dedikasyon sa katarungan at tamang proseso tungkol sa mga alegasyon ng extrajudicial killings (EJKs) sa kampanya laban sa droga. Nanawagan siya ng legal na suporta para sa mga tagapagpatupad ng batas na nahaharap sa mga akusasyon at binigyang-diin ang tagumpay ng “Oplan Tokhang,” kung saan 1.5 milyong drug users ang boluntaryong sumuko at mahigit 100,000 indibidwal ang naaresto at narehabilitate.

Aniya, ang Tokhang ay isang programang nakabatay sa boluntaryong pagsuko at pagbibigay ng pagkakataon para sa rehabilitasyon. Ang mga sumunod sa due process ay dapat ipagtanggol at suportahan.”

Ipinaliwanag ni Sermonia ang kanyang desisyon na katawanin ang United Frontliners Partylist, binibigyang-diin ang tunay na representasyon ng mga marginalized frontliners at boluntaryo. Aniya, ang partylist ay binubuo ng iba’t ibang sektor, mula sa mga medical professional hanggang sa mga community responder, na nagpapakita ng sama-samang suporta para sa mga nagsasakripisyo para sa kapakanan ng publiko.

Kasama niya sa pamunuan si Albert Martinez bilang Secretary General, gayundin sina Dr. Miguel C. Ortiz ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team at Retiradong Lt. Gen. Connor Anthony D. Canlas, Sr.

Nanawagan si Sermonia para sa mas epektibong implementasyon ng mga pampublikong programa sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ng mga pondo at koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno. Ipinangako niyang patuloy na ipaglalaban ang kapakanan ng mga frontliner at naniniwalang ang tapat at dedikadong paglilingkod ay susi sa isang mas maayos na lipunan.#

NO COMMENTS