Home Feature Tulfo Brothers nangunguna pa rin, Bong Go malaking suporta nakuha dahil sa...

Tulfo Brothers nangunguna pa rin, Bong Go malaking suporta nakuha dahil sa ICC issue ni PRRD – Tangere

0
5

Nanatiling pasok sa nangunguna sa pinakabagong survey ng Tangere ang mamamahayag na si Ben “Bitag” Tulfo, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang nangunguna sa pinakabagong survey ng Tangere, kung saan si Ben Tulfo ay may 54.63%, si Go ay may 54%, at si Erwin Tulfo ay may 53.5%.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Martin Xavier Peñaflor, Presidente at CEO ng Tangere Acquisition Apps, Inc. (Tangere), na ito ang ikapitong press conference nila para sa kanilang senatorial survey.

Ang Tangere ay isang mobile application na makikita sa Google App Store na nagsasagawa ng mga online at face-to-face survey. Mayroon na silang higit sa 100 kliyente sa buong bansa at sa ibang bansa. Ito na ang kanilang ikatlong halalan na survey na gumagamit ng raw na data nang walang impluwensiya ng iba gaya ng mga pulitiko o dayuhan. Ang mga naunang survey ng Tangere ay kinabibilangan ng 2023 Household Survey on Drug Use na may 12,000 respondente at National ID survey na may 4,000 respondente. Sa kasaysayan ng Tangere, 10 sa 12 nanalong Senador ay nanguna sa series of surveys na kanilang isinagawa bago ang eleksyon.

Sa nilabas ng Commission on Elections (COMELEC) na bagong resolusyon na naglalayong palakasin ang regulasyon sa pagsasagawa at publikasyon ng election surveys para sa halalan sa 2025 lahat ng indibidwal, kandidato, o organisasyong nagsasagawa ng survey ay kailangang magparehistro sa Political Finance and Affairs Department (PFAD). Ang mga hindi pa nakarehistro ay bibigyan ng 15 araw mula sa pagpapatupad ng resolusyon upang makumpleto ang kanilang aplikasyon.

Inaatasan ang survey firms na magsumite ng kumpletong ulat sa COMELEC sa loob ng limang araw matapos ang publikasyon ng survey. Kailangang ilahad sa ulat ang detalyadong impormasyon tulad ng gumastos sa survey, ginamit na methodology, margin of error, at iba pang mahahalagang datos na gagamitin sa pagsubaybay sa election expenditures ng mga kandidato.

Magpapatupad ang COMELEC ng standardized template para sa pagsusumite ng survey reports para matiyak ang integridad ng mga survey. Bukod dito, magtatayo rin ng verification mechanism upang maiwasan ang pagpapakalat ng pekeng survey na maaaring magdulot ng maling impormasyon sa mga botante.

Ipinagbabawal ng resolusyon ang paglalabas ng survey sa anumang media platform nang hindi inilalantad ang pangalan ng survey firm at ng nagpondo rito. Saklaw nito ang lahat ng uri ng publikasyon, kabilang ang social media. Nagbabala ang COMELEC na sinumang lalabag sa regulasyon ay maaaring mapatawan ng multa, masuspinde, o masampahan ng kaso. Itinuturing ding ilegal ang pagpapalabas ng survey nang walang tamang impormasyon ukol sa sponsors at methodology.

Layunin ng Comelec sa bagong regulasyon na mapanatili ang patas at transparent na eleksyon. Hinihikayat nila ang lahat ng survey firms at media outlets na sumunod sa mga panuntunang ito upang maiwasan ang anumang legal na problema.

Binanggit ni Peñaflor na pinapayagan ng resolusyon ang Tangere at dalawa pang survey firms na magsagawa ng mga survey bago ang May 12, 2025, national elections. Ang komunidad ng Tangere ay binubuo ng higit sa isang milyong tao ay nagbibigay ng mabilis at kapaki-pakinabang na mga impormasyon mula sa sentimyento o napapanahong damdamin ng mga Pilipino.

Ang survey na isinagawa noong nakaraang linggo ay ginawa sa gitna ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD). Sa pinakabagong pre-senatorial survey ay isinagawa mula Marso 11 hanggang 14, 2025, gamit ang stratified random sampling na may 2,400 respondente at may 1.96% na margin of error. Ang mga respondente ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon: 23% mula sa Northern Luzon, 22% mula sa Southern Luzon, 20% mula sa Visayas, at 23% mula sa Mindanao. Ang mga respondente ay isinama rin ayon sa edad, kung saan 19% ang nasa pagitan ng 18-25 taon.

Nangunguna sa survey sina Ben Tulfo, Go, at Erwin Tulfo, habang si Senador Tito Sotto ay pumapangalawa sa 47.67%. Ang mga Tulfo brothers ay nangunguna sa survey noong nakaraang buwan, ngunit si Go ay umakyat sa pangalawang pwesto sa pinakabagong survey. Sa kabila ng mga isyu ukol kay FPRRD, nananatiling mataas ang suporta sa tatlong ito sa mga grupong may magkatulad na katangian.

Tumaas ang ranggo ni Senador Bato sa Metro Manila ngunit hindi nagbago sa Visayas at Mindanao, habang si Senador Imee Marcos at Camille Villar ay magkalapit ang margin na 1.96%. Kasama sa mga notable figures sa survey si Bam Aquino, na bumaba mula 36.38% patungong 32.75%, at si Makati Mayor Binay, na nakinabang mula sa matinding suporta sa Central at Northern Luzon.

Tungkol naman sa isyu ng ICC (International Criminal Court), walang malaking epekto ito sa mga preferensya ng 12 senatorial candidates na kaalyado ng administrasyong Marcos. Sa katunayan, tumaas ang suporta sa mga kandidato tulad nina Villar, Lapid, at Lacson. Wala ring epekto ang isyu kay Rep. Camille Villar, at may mga figure tulad nina Rodante Marcoleta at Atty. Jimmy Bondoc na nakaranas ng makabuluhang pagtaas.

Ang mga pangunahing isyung tinukoy ng mga botante ay ang edukasyon, trabaho, at seguridad sa pagkain. Ipinakita rin sa survey na 46% ng mga respondente ay mayroong inclination na bumoto para sa mga kandidatong sumusuporta sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinahayag ni Peñaflor na ang paggamit ng AI sa mga survey ay hindi natural, dahil wala itong personal na ugnayan na hatid ng mga tao. Sa kabila ng isyu ng ICC, nanatiling hindi apektado ang mga preferensya ng mga kandidato na traditionally kaalyado ni FPRRD, at ang mga botante sa rural areas, na may malaking bahagi sa eleksyon, ay nananatiling hindi pa desidido.

Sa paraan ng pagsasagawa ng survey, ang Tangere ay gumagamit ng stratified random sampling upang matiyak ang malawak na representasyon ng populasyon. Sa kabila ng mga kritisismo tungkol sa kawastuhan ng mga survey, ang kumpanya ay nananatiling sumusunod sa mga alituntunin ng Comelec. Ang pokus ng Tangere ay ang pagbibigay ng walang kinikilingang, tapat na datos na tumutulong sa paghubog ng diskurso patungong eleksyon.#

NO COMMENTS