PINATUNAYAN ng Department of Science and Technology (DOST) na sa siyensya at teknolohiya ang pag-asa ng bansa. Ang layuning maging epektibo ng programa ng pamahalaan ay hindi mahirap para sa isang ahensya ng pamahalaan para gawin ito lalo na kung ang mga lingkod bayan ay tapat at may malasakit sa kanilang trabaho.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Owner3-683x1024.jpg)
Ayon kay Annabely A. Martinez, may-ari ng Hannes Turmeric Tea and Juices (OFC Veterans Tea Manufacturing), isa sya sa maraming nakinabang sa programa ng DOST na iFWD PH dahil binigyan sya ng kasanayan, kahandaan, kagamitan at puhunan para sa kanyang sinimulang negosyo. Nagbukas din ng oportunidad ang ahensya para mas mapalago at siguraduhin na mabibili at makikilala ang kanyang mga produkto sa mga trade shows at booth camps sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Ddepartment of Trade and Industry (DTI).
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Traianing.jpg)
Hindi umano madali ang dinaanan nyang proseso bago sya nakapasa sa negosyong kanyang pinili dahil animo dumaan sya sa pagsusuri at pagtatanggol sa harap ng mga opisyal ng DOST bukod pa sa nangangailangan ng seryoso at pagtitiyaga sa mga kasanayang ibinibigay ng ahensya.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Training8.jpg)
Ang Hannes Marketing, na pinamumunuan ni Annabely A. Martinez, ay nag-ukit ng angkop na lugar sa industriya ng kalusugan at kagalingan sa pamamagitan ng pag-aalok ng premium, all-natural na turmeric ginger powder. Sa isang taos-pusong misyon na inspirasyon ng mga personal na hamon sa kalusugan, ang kumpanya ay patuloy na lumago mula noong ito ay itinatag, na bumubuo ng isang reputasyon para sa kalidad at integridad. Higit pa sa mga layunin nito sa negosyo, nakatuon ang Hannes Marketing sa pagsuporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), na sumasalamin sa pangako nito sa wellness at social responsibility. Ngayon ay handa na para sa karagdagang pag-unlad, ang kumpanya ay naglalayong palawakin ang abot ng merkado nito sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga online na benta at pakikipagsosyo sa mga pangunahing retailer upang dalhin ang mga produktong nakapagpapalakas ng kalusugan nito sa mas malawak na madla.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Hannes-Turmeric-and-Juices-1024x743.jpg)
Paliwanag ni Bianca Claudette Canlas, Supervising Science Research Specialist, Assistant Regional Director for Technical Support Services ng DOST-NCR, at ang Project Leader ng iFWD PH Program – ang programa ay naglalayon na tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) at pamilya nito na magkaroon ng dagdag at permanenteng kabuhayan habang sila ay nagtatrabaho nasa ibang bansa o bumalik sa Pilipinas.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Bianca-Claudette-Canlas-1024x683.jpeg)
Aniya, 2018 ito unang nakonsepto sa ilalim ng pamumuno ni dating Kalihim Fortunato dela Peña noong panahon ng CoVid-19 Pandemic kung saan marami sa mga OFW ang naapektuhan nang biglaan nilang pagbalik sa Pilipinas habang nasa kasagsagan sila ng pagtatrabaho.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/iFWD-PH-Concluding-Ceremony-2020-1024x566.png)
Batay sa Statista.com, noong Hunyo 13, 2022, humigit-kumulang 2.24 milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang naiuwi dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic. Sa mga ito, 1.4 milyon ay land-based na manggagawa habang humigit-kumulang 808 libo ay sea-based.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/image-1-1024x584.png)
Sinisiguro naman ni Canlas na ang mga nakikinabang ng iFWD PH ay lehitimong OFW o naging OFW. Kinukumpira umano ng kanilang tanggapan ang pagiging lehitimo sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang pamahalaan maging sa lokal na pamahalaan.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/QC-and-Hannes-768x1024.jpg)
Sa IFWD PH Program ng DOST, bibigyan ka namin ng kapasidad na pamahalaan ang iyong negosyo na nakaangkla sa agham, teknolohiya at pagbabago. Dagdag ni Canlas, ang kasanayan ay libreng ibinibigay at nagsasagawa muna ng Business ideasation session, Core Business Development, Resources, raw materials, organizing training, conceptualization para maisip nila ang tamang negosyo at market technical know-how kasama ang iba pang mga pagsasanay upang higit na maging handa ang OFW at ang pamilya nito sa pagbubukas ng isang negosyo. Kabilang ang mga kasanayang:
Session 1: Values and Business Development
Session 2: Business Model Canvas
Session 3: Product Costing and Pricing
Session 4: Financial Planning Workshop 1
Session 5: Presentation Initial Business Model Canvas
Session 6: Supply Chain Management
Session 7: Marketing and e-Commerce
Session 8: Operations Management
Session 9: Organizational Management
Session 10: Financial Planning Workshop 2
Session 11: Presentation Customizing the Business Model Canvas
Session 12: Business Law, Tax and Registration
Session 13: Funding & Financing
Session 14: Final Business Pitch
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/image-1024x576.png)
Paglilinaw ni Canlas, hindi lahat ay may kapasidad o kakayahang maging negosyante kaya ang mga pagsasanay na ito ang nagsisilbing pundasyon at paraan ng DOST upang tiyakin na magiging matagumpay at makakamit ang layunin ng nasabing programa.
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Trade-show3.jpg)
Nagpapasalamat naman si Martinez dahil sa malaking tulong ng DOST at lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon sa pagbibigay kabuhayan sa kanya.#
![](https://tuklasinnatin.net/wp-content/uploads/2025/02/Trade-show2-1024x768.jpg)