Tagisan ng galing sa paglikha ng awit ang muling aarangkada sa ikatlong taon ng Music Quest na sinimulan ni Tatiana Batalla, anak ng isang Pilantropo ng Batalla Cares at Lider ng Crimes and Corruption Watch International.
Matutunghayan ang mga Top 10 Finalist na sina:
- Francis Soriano – Sa Iyo ang Lahat
- Praise Varian – Orange
- Ronald Lee – Kahit Konting Ikaw
- Crystal Kayte Valdez – Supeman
- Ivy Realubit – Batman
- Carlo Manawis – Viann
- Insoulix (Carlito Dumandan Jr., Hazel Mae Salipot, Kemuel Dale Caut, at Daniel Mongcal) – Tayo sa Huli
- Jhon Michael Cuela – Bonfire
- Naly Vidal – I Wanna Hold You
- Richard Samulak – Ang Ganda Mo Talaga
Ang Musicquest Philippines ni “Tatiana Batalla and Friends”! ay isang online na palabas na nilikha at binigyang katuparan ni Carlo Batalla upang magbigay ng plataporma o pagkakataon sa mga hindi kilalang mang-aawit, artista, at kompositor upang maipakita sa publiko ang kanilang hindi kapani-paniwalang talento at obra maestra.
Layunin ng Musicquest Philippines na tuklasin, ipakita, at isulong ang susunod na henerasyon ng mga musical superstar sa Pilipinas. Ayon sa mag-amang Batalla, naniniwala sila na karapat-dapat lang na ang lahat ay bigyan ng pagkakataon na marinig at pahalagahan ang kanilang mga natatanging kakayahan. Sa pamamagitan nito, makikita ang magkakaibang hanay ng mga musikal na pagtatanghal mula sa mga nadidiskubreng artista at lumikha ng matatag na propesyonalismo sa industriya. Ang online na plataporma sa pamaamagitan ng Musicquest website at Youtube ay isang paraan para ang mga artista, mang-aawit at kompositor ay makakonektasa kanilang mga tagahanga at makatulong na mapalago ang kanilang mga karera.
Kaya inaanyayahan ang publiko, mga may natatanging galing sa paggawa ng komposisyon at pag-awit na lumahok sa mga susunod na paligsahan ng Musicquest.
Samahan at tangkilikn ang Musicquest sa kapana-panabik na paglalakbay sa pagtuklas at pagpapakita ng pinakamahusay sa eksena ng musika sa Pilipinas.#