Bilang bahagi ng inisyatibo sa pagbuo ng mauunlad na komunidad sa mga programang pabahay nito, inilunsad ng National Housing Authority (NHA), sa pamumuno ni General Manager Joeben Tai, ang Community Building and Empowerment (CBE) Manual.
Ang libro ay nagpapakilala ng konsepto ng CBE bilang isang pamamaraan para sa pagbuo ng komunidad na nakatuon sa pagtutulungan, komunikasyon, at pakikilahok upang matugunan ang mga pangangailangan at isulong ang kaunlaran sa mga proyektong pabahay ng NHA.
Bilang isang gabay para sa mga NHA Community Support Staff at mga community leaders, ang manual ay naglalaman ng mga mahahalagang alituntunin at batas upang matulungan silang epektibong maipatupad ang CBE Program sa kanilang mga komunidad.
Maliban sa karagdagan na mga mahahalagang mapagkukunan at alituntunin, binibigyang-diin din ng manual ang halaga ng aktibong partisipasyon ng komunidad sa pamamagitan ng bukas na talakayan sa kanilang pag-unlad, mula sa kanilang mga lider ng komunidad hanggang sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ipinaabot ni GM Tai ang kanyang suporta para sa manual: “The Community Building and Empowerment (CBE) Manual represents our commitment of good governance to our housing beneficiaries and partner LGUs. This manual is a testament to our dedication to empowering communities through networking and collaboration, thereby enhancing their leadership among them.”
Sa kabuuan, binibigyang-diin ng CBE Manual ang pananaw ng NHA na hindi lamang bumuo ng mga tahanan kundi pati na rin ang pag-aalaga sa mga masigla, matatag, at self-sufficient na komunidad.
Ang online launching nito ay pinangasiwaan ng Community Relations Services Division ng Community Support Services Department (CRSD-CSSD).#