Home Feature Mga nanalong Miss Asia Pacific International 2024 bumisita sa Tinapayan Festival

Mga nanalong Miss Asia Pacific International 2024 bumisita sa Tinapayan Festival

0
42

Pumasyal ang mga nagwagi sa patimpalak ng Miss Asia Pacific International 2024 sa sikat Tinapayan sa Maynila na sina Miss Asia Pacific International Janelis Leyba ng USA, 1st Runner-up Karen Sofia Nuñez ng Mexico, 2nd Runner-up Selena Ali ng Belgium, 3rd Runner-up Blessa Ericha Figueroa ng Pilipinas, at 4th Runner-up Jennifer Prokop ng Germany upang makita ang Tinapayan bakery, matikman at makapagdala pampasalubong sa kanilang pamilya pagbalik sa kani-kanilang bansa.

Masayang ipinagmamalaki ng mga beauty queens ang paborito nilang tinapay ng pinasyalan nila ang sikat na panaderya sa Maynila na Tinapay Festival. (L-R) 4th Runner-up Jennifer Prokop ng Germany, 2nd Runner-up Selena Ali ng Belgium. Miss Asia Pacific International Janelis Leyba ng USA, at 3rd Runner-up Blessa Ericha Figueroa ng Pilipinas

Masayang ikuwento ng mga beauty queens ang kanila paghanga sa kalidad at lasa ng ensaymada, cheese roll at ang paborito nilang cheese loaf na kanilang natikman sa cafe kung saan naganap ang pagent. Ang Tinapayan Festival ay ang opisyal na tinapay ng Miss Asia Pacific International 2024.

Dahil sabik ding makita ng mga naggagandahang dilag ang paligid ng Maynila lalo na ang Tinapayan Festival na malapit sa University of Santo Tomas (UST) na kilalang oldest university sa bansa.

Ang Tinapayan Festival ay itinayo taong 1982 na matatagpuan sa 1650 Dapitan Street, Sampaloc, Manila. Sa mahigit apat na dekada, patuloy na nakilala ang mga tinapay na gawa ng nasabing panaderya dahil sa natatangi nitong lambot at lasa mula sa mga natural na sangkap (root crops) na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan.

Tinapay Festival, ang tinapay ng Maynila, “Breads of the Queen”.#

NO COMMENTS