Naghatid ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Oktubre 4, 2024 ng 3,000 food packs sa mga residente ng Ilocos Norte na naapektuhan ng Bagyong Julian na nanalasa sa rehiyon at sa mga kalapit nitong lugar noong Setyembre.
Pinangunahan ng PCSO Corporate Planning Department ang turnover ng food packs sa opisina ni Gobernador Mathew Manotoc at sa opisina ni Congressman Sandro Marcos sa tulong ng PCSO Ilocos Branch Office.
Ang donasyon na ito ay nasa ilalim ng corporate social responsibility program ng PCSO na naglalayong tumulong at magbigay ng tulong at pagtugon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.#