Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Kailangan natin ng mapagkakatiwalaan sa gobyerno – Atty. Vic Rodriguez

NAGPAHAYAG nang pagtutol si dating Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez sa utos ng Commission on Elections (Comelec) na irehistro ang mga social media accounts at website na gagamitin ng mga partido at kakandito para Mid-term Election sa darating na Mayo 2025.

Alinsunod sa Seksyon 9 (c) ng Comelec Resolution No. 10730, na sinususugan ng Resolution No. 10748, ang bawat rehistradong political party/coalition at bonafide na kandidato ay dapat magparehistro sa Education and Information Department ng Comelec ng mga opisyal na account, website, blogs at/o iba pang mga pahina sa social media kung ito ay ginagamit o gagamitin para sa pag-endorso ng kanyang kandidatura o kandidatura ng mga miyembro nito.

“I think unconstitutional yan because that is curtailment of free speech. Anong pakialam mo doon sa social media account ng kandidato? Kung doon siya naghahayag, yan ang kanyang sariling personal freedom wall. You do not have the right to regulate it, not even the Comelec! Comelec is not in the business of sensoring or regulating free speech, that is unconstitutional! Sarili nyang freedom board yan eh. Ngayon kung may nilabag syang batas, revised penal code, cyber libel, eh di kasuhan nyo ng libel. But it’s not for the Comelec to police yung ating personal freedom spaces.

Atty. Victor D. Rodriquez and Wilson Lee Flores sa ginanap na Pandesal Forum nitong Oktubre 4, 2024.

Tumugon din si Atty. Vic tungkol sa pagsala ng mga nagsusumite sa Comelec na nais tumakbo sa eleksyon dahil marami umano sa mga nanalong kumandidato ay napatunayang may kasalanan sa kaso ng pandarambong at sangkot sa illegal na droga. “Anong gusto kong makita sa Comelec? I want to see a hybrid form of election. Manual counting sa precint level automated ang transmission. As for the qualification, walang magagawa ang Comelec, because it is the Constitution that lays down the minimum qualification for a candidate to be able to file his or her candidacy. Kung may ko-contest man, labanan siya o magprotesta na lamang.”

Dismayado rin ang dating Executive Secretary tungkol sa mga korapsyong nagaganap sa mga ahensya ng pamahalaan. Nang tinanong sya kung anong ahensya ang may nangungunang corrupt agency, sinabi nitong “Nagsisiksikan sila sa number one, sa totoo lang. Name it, DPWH, yung issue ngayon sa ayuda sa IX using DSWD, ang dami. And both houses of Congress dahil yung liquidation by certification, lahat nag-uunahan sila.

“And even BIR, an official of the BIR, I think he was, let me just put it this way, he was thinking aloud na bagsak yung kanilang koleksyon, hindi nila nami-meet yung revenue, pero may tanong siya, bakit kami sa BIR nagkaroon ng 22% increase in collection, I mean tumaas ang “collection efficiency” nila ng 22% samantalang ang Bureau of Customs 3% lang. Meaning yung BIR, naglalabas na rin ang hinagpis, nasa balikat nila yung revenue target, samantalang kasama nilang supposedly nangungulekta na rin, bagsak rin yung efficiency in terms of collection. So hindi maiwasan ang official na yun, kami 22% efficiency, ito 3% lang. So doon mo makikita na wala sa tono.”

Sa huli, nanawagan si Atty. Vic Rodriquez sa sambayanang Pilipino na maglagay ng mapagkakatiwalaang tao sa gobyerno. Binigyang diin din nito na sa pamamagitan ng media, kapwa ang social media, ang mga vlogger at ang tradisyunal na media, gagampanan ang isang napakahalagang papel sa darating na midterm election upang sa pamamagitan ng mga plataporma, makakatulong sa pagbigay liwanag sa mga tunay na mahalaga at makabuluhang isyu na nagaganap sa bansa ngayon.#

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...