Home Feature SocMed kailangan nang iparehistro sa Comelec kung gagamitin para sa pagkampanya

SocMed kailangan nang iparehistro sa Comelec kung gagamitin para sa pagkampanya

0
209
Atty. Mazna Lutchavez Legal Head Office of Commissioner Nelson J. Celis Commission on Elections

Hinihikayat ang mga partido pulitikal at kandidato na gumagamit ng digital election campaign materials na magparehistro sa Commission on Elections.

Ayon kay Atty. Mazna Lutchavez, Legal Head ng Tanggapan ni Commisioner Nelson J. Celis na sa ilalim ng Omnibus Election Code under Article 261, Z11 na ang pagkakalat ng disinformation o maling information na tukoy sa general conduct of elections ay isang election offense.

Ang mga political parties ay maaaring maharap sa de-activation of cancellation ng kanilang registration batay sa Section 6 of party list act na sinasabing “Any violation ng party list with respect to rules and regulations related to elections is a ground for cancellation of their registration.”

Pinayuhan ni Atty. Lutchavez ang mga Pilipino lalo na ang mga vloggers na kung aktibo rin nilang gagamitin sa pagkampanya ng kanilang napipisil na kandidato bagaman sila ay hindi kaanib o tauhan ng partido pulitika o kandidato ay mas mabuting magparehistro na sila sa Comelec upang maiwasan ang pagtatanggal ng kanilang social media accounts kung mapatunayang sila ay may paglabag sa Omnibus Election Code.#

NO COMMENTS