Feature Articles:

DLSU itinanghal bilang kauna-unahang pribadong KIST Ecozone sa bansa

Isinulat ng kasaysayan ng De La Salle University (DLSU)...

Pagbubukas ng Bagong Robotics Center sa Cagayan Valley

Naglunsad ng mga “smart moves” para palakasin ang mga...

Lyndon LaRouche’s Lifelong War on Empire and for a New Renaissance

In the sprawling narrative of 20th and 21st-century political...

NHA iginawad 100 pabahay sa Tribung Subanen sa Zamboanga Del Norte

Iginawad ng National Housing Authority (NHA) ang 100 na pabahay sa mga pamilyang kabilang sa Tribung Subanen sa Zamboanga del Norte bilang pagtupad sa pangako nitong makapaghandog ng matitibay at permanenteng mga tirahan sa mga katutubong Pilipino.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Zamboanga District Officer-in-Charge Atty. John Louie G. Rebollos, kasama si Liloy Mayor Roberto Uy, Jr., ang seremonya ng pamamahagi.

Ang mga pabahay ay may sukat na 24.80 sqm floor area at sadyang itinayo bilang semi-concrete upang labanan ang mga kalamidad na madalas na nakakaharap ng Tribung Subanen sa bulubunduking lugar kung saan sila matatagpuan.

Dagdag pa rito, ang bagong komunidad ay sinigurong maayos at malinis, mayroong solar panel at pangkalahatang hand pump well upang magarantiya ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Matatagpuan sa bayan ng Liloy na tinaguriang “Peanut Capital of Zamboanga del Norte,” ang Liloy Subanen IP Housing Project ay isa sa mga proyektong pabahay ng NHA sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (IPs), na naglalayong magbigay ng pabahay sa mga kapatid nating katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang proyektong pabahay na ito ay ipinatupad bunga ng masusing pag-aaral at sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga pinuno ng komunidad at ng lokal na pamahalaan.

Ang Liloy Subanen IP Housing Project ay idinisenyo din nang may pagsasaalang-alang sa mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at kultura ng tribu.#

Latest

DLSU itinanghal bilang kauna-unahang pribadong KIST Ecozone sa bansa

Isinulat ng kasaysayan ng De La Salle University (DLSU)...

Pagbubukas ng Bagong Robotics Center sa Cagayan Valley

Naglunsad ng mga “smart moves” para palakasin ang mga...

Lyndon LaRouche’s Lifelong War on Empire and for a New Renaissance

In the sprawling narrative of 20th and 21st-century political...

Ang Buhay at Legasiya ni Lyndon LaRouche

Sa kasaysayan ng Amerika, may isang lalaking ang mga...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Trump, in Fiery U.N. Return, Touts “Golden Age” for America and Delivers Blunt Critique of World Body

In a highly anticipated and characteristically unscripted address to...
spot_imgspot_img

DLSU itinanghal bilang kauna-unahang pribadong KIST Ecozone sa bansa

Isinulat ng kasaysayan ng De La Salle University (DLSU) ang isang makabagong kabanata nitong Hulyo 30, 2025, nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos...

Pagbubukas ng Bagong Robotics Center sa Cagayan Valley

Naglunsad ng mga “smart moves” para palakasin ang mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) at nagbukas ng isang modernong robotics center ang Cagayan...

Lyndon LaRouche’s Lifelong War on Empire and for a New Renaissance

In the sprawling narrative of 20th and 21st-century political and economic thought, few figures are as polarizing, complex, or persistently influential as Lyndon LaRouche....