Naisulat muli sa kasaysayan ng pandaigdigang timpalak ang Pilipinas dahil sa ginawang clutch routine ni Carlos Yulo na nagkamit ng gintong medalya sa Men’s Artistic Gymnastics Individual Floor Finals noong Sabado (3 Agosto 2024) sa Olympic Games Paris 2024.
Napaluha ang 24-anyos na si Yulo matapos ang matagumpay na 3 at kahalating pag-ikot habang nasa ere at matatag na nakatayo saa kanyang pag-landing, ay nasungkit nito 15.000 puntos mula sa mga hurado dahil ito ang ang kauna-unahang gymnastics Olympic medal para sa Pilipinas matapos mapantayan ang tagumpay ng weightlifter na si Hidilyn Diaz, na nanalo ng ginto sa nagdaang 2020 Tokyo Games.
Ang defending champion at world titleholder na si Artem Dolgopyat ng Israel ay nakakuha lamang ng pilak sa pagkakataaong ito na may 14.966 na puntos.
“Kami ay talagang maliit na bansa at ang bahagi ng mga atleta ay hindi katulad ng US o UK, kaya ang makakuha ng gintong medalya ay talagang malaki para sa amin,” sabi niya pagkatapos. “I dedicate this to the Filipinos who supported me. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila. Gusto kong magpasalamat sa panonood at pagdarasal para sa akin sa buong kompetisyon,” sabi ni Yulo
Bago ang 2023 World Championships, nagpasya si Yulo at ang kanyang longtime coach na si Munehiro Kugiyama na maghiwalay ng landas. Simula noon, nagtrabaho si Yulo nang walang coach at sa halip ay namayagpag sa buong mundo upang magsanay kasama ang ilan sa mga pinakamahusay na atleta sa kanyang isport. Nagsasanay siya ngayon kasama ang Filipino coach na si Aldrin Castañeda. Gayunpaman, sinabi ni Yulo na nagpapasalamat siya kay Kugimiya.
Si Japanese coach Munehiro Kugimiya ay may klinika para sa mga kabataan sa Gymnastics Association of the Philippines Developmental Gym sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. Si Yulo ay nasa ilalim ng kanyang pangangalaga mula noong 2016 at unang bahagi ng 2023 nagkahiwalay na landas ang sina Kugimiya at Yulo. Ang mga klase ni Kugimiya ay bahagi ng kursong gymnastics ng Japanese Embassy’s Cultural Grassroots Project, na inilunsad noong Setyembre 2023.#